Hinintay ko ang pagtigil ng orasan sa bahaging gitna nito sa oras na ang lahat ay tiyak na gigising.
Alas dose na!Hindi na kailangang sumigaw pa. Ang dagundong ng putok at pailaw sa labas ng bahay ay magpapagising sa bawat isa.
Bagong taon na.
Nakahanda na ang hapag, habang ako’y matamang nanonood na lamang ng isang countdown ng isang malaking tv station. Magarbo ang bawat palabas. May awitan, may sayawan. Naalala ko tuloy ang masasayang araw naming mga magkakaibigan.
Una, ilan lamang kami, isang text lang nandyan na agad para sa isang walang kwentang pagtitipon na aabutin ng gabi at ako’y uuwi na dala ang ngiti sa labi na inihatid ng pagtitipong iyon. Hindi na ito isang simpleng pagtetext at pagtatawagan, naging adik na kung baga sa isa’t isa. Wala mang gingawang mahalaga, aba hindi nabubuo ang lingo kung hindi kami magkikita. Nadagdagan ng miyembro ang grupo hanggang sa ito ay dumami na.
Kay sarap isipin na ang pagtitipong dala ng iilan, ay talagang nagbibigay daan upang ang isa ay maging dalawa, tatlo, apat,hindi ko na mabilang.
Saan tutungo ang aking araw na nag-aasam na laging makasama ang mga kaibigang nabuo sa wala lamang. Ang hirap isiping dahil sa walang ito, nabuo ang aking pagkataong maging isang pasaway dahil sa kagustuhang maging Masaya. Pasaway na hindi sa kung ano pa man, kundi dahil sa kakaibang kaligayahang nararamdaman.
Salamat mga kaibigan. Sa taong 2012, hangad ko ang ating mas masayang pagsasamahan.
No comments:
Post a Comment