Hindi ko naisip minsan may mga bagay tayo na taken forgranted.
Paano mo makikita ang mga taong nagmamahal sa iyo ng totoo kung nakabaling ka sa pagmamahal ng mga taong mas higit ang pagpapahalaga sa iba?
Kay sarap isipin na sa iyong madalas na pagbalewala sa kanila, ikaw pa rin ang kanilang una at huling hahanapin.
Sa pagmamahal ng isang kaibigan, hindi ko mawari na may isa pala akong naiiwan,hanggang sa paglingon ko, tahimik pala siyang nakasubaybay sa akin upang ako'y alalalayan sa panahong maari AKONG madapa.
Sa aking kaibigang totoong nagmamahal, salamat sa iyo.
Sa mga itinuturing kong kaibigan ang hanap ko, totoong kaibigan.
Binasa kong muli ang mga blog ni Den Mar, sa unang pagbukas ko nito, muli,naging masaya ako sa kanyang post. Nandun ang Scouting photos namin noong nakaraang ATC namin sa Makiling. Masayang masaya ako. Yung mga natatagong larawan ng kahapon, bumalik sa aking gunita. Gayon na lamang ang aking pagkatuwa.
Subalit, unti-unti napalitan ito ng kalungkutan sa mga sumunod na muling post na kanyang isinulat. Ramdam ko sa kanyang mga isinulat ang kalungkutan sa kabila ng pagiging matapang sa bawat pagsubok, dahil tulad ng isang awiting "The Warrior is A Child" nandun pa rin yung isang Dennis na nasasaktan kahit nauunawaan ang buhay dahil sa pagiging seminarista.
Ang hirap ng sitwasyong ang taong malimit magbigay ng payo sa ibang tao upang gumaan ang kanilang pinoproblema, ay dumaranas rin ng malaking pagsubok sa buhay. Sa bagay, bilang isang tunay na kaibigan, bagamat ako ay malayo sa kaniya, naipapapaabot ko ito sa pamamagitan ng aking mga panalangin.
Dennis, maraming salamat.
note: Den Mar is our Permanent Patrol Leader in Patrol Tikling last ATC May 2011, best friend and true one as well.
No comments:
Post a Comment