Wednesday, January 11, 2012

DepEd Night



Isang linggong paghahanda ang isinasagawa sa pagdiriwang ng kapistahan ng lunsod ng San Pablo.

Tuwing ika-15 ng Enero ang kapistahan ni san Pablo, ang unang Ermitanyo. Siya ay binibigyang-pugay sa pamamagitan ng iba’t ibang pagtatanghal ng iba’t ibang grupo mula sa pribado at pampublikong kawani, ma-propesyonal man o maging mag-aaral rito. May mga naka-assign na mga pagtatanghal sa bawat gabi at highlights dito ang Mardigras Festival o Coco Fest na nagwagi ng unang pwesto sa Best Festival Category, City level, sa buong bansa gayundin ang Mayor’s Night, Governor’s Night, Congresswoman’s Night, San MIguel Night at ang Lakan at Mutya ng San Pablo na nagpapamalas ng kisig at ganda ng mga kabataang San Pableno.

“DepEd Night” ang aming pinaghahandaan. Sa loob ng dalawang magkasunod na taon, ako ay bahagi ng paghahandang ito. Mula sa pitong distrito ng lunsod, isa ang San Francisco, kasama ang Dapdapan, Lakeside, Ambray, Del Remedio, Fule-Almeda at Sto. Angel. Kami ang mga gruo ng San Francisco ay abalang-abala sa paghahandang ito.

Kaming mga guro ang magpepresenta sa unang gabi para kay San Pablo, ang unang Ermitanyo.

Bonggang selebrasyon ng piyesta ang tema ng aming pianghahandaan. Isang makalumang sayaw o folk dance na ginawang remix upang makasunod sa makabagong tugtugin at panlasa ng mga manonood, lalo’t karamihan rito ay mga mag-aaral sa makabagong panahon.

“Kilangan ang lalake,  naka-costume ng jogging pants at camiso chino. Ang mga babae, Maria Clara istilo ng Bulacan. Kailangan rin ng buslo, mga bao, para sa maglalatik. Ang mga lalake, yapak lamang habang ang mga babae ay bakya. Paghandaan. Ang mga kasamahan nating distrito ay mahuhusay rin sa pagpe-perform, lalo na ang Lakeside, naku, alam ko magpapakitang gilas yan’” ani ng isa sa mga gurong kasama sa pagtatanghal.

“Tayo sa bayan, maghahanap tayo ng mga gamit para sa sayaw,  “ ani ng isa kong kasamahan. Hahanap tayo ng mga gamit natin.

“May tela po ba kayo na geena?” ang gagamiting tela para mura. “Wala po kaming kulay na inyong hinahanap.” Pawisan na kami sa kahahanap ng telang gagamitin, wala kaming makita, Hanggang sa nakakita kami ng tela sa bahaging loob ng palengke. Salamat.

Mananahi naman ang kailangan. Miyerkules na, kailangan, may makita tayo na mananahi na kayang tumahi ng telang ito na magagamit sa Biyernes, para sa dress rehearsal. Biyernes, dress rehearsal? Grabe, saan kaya makahahanap ng mananahi na in toto kaya manahi nang mabilis.

Anuman ang mangyari, hindi lamang kami ang ngarag sa paghahanda. Maririnig mo sa tindahan ng tela, mga guro naghahanap ng ganito, ganyang kulay. Alam mo na ang kanilang paggagamitan. Kasali sila sa DepEd night.

Abala ang mga gruong kasali sapagkat ipapalabas ito sa plaza, na maraming manunuod. Kami ang magiging opening ng pagbubukas ng piyesta ng bayan sa taong 2012. May kakantang mga guro na mala concerto ang dating, may magdodoksolohiya, may mga grupo ng gurong aawit bilang koro, gayundin ang makabago at maka-lumang sayaw na siyang napabigay sa ating distrito, ang San Francisco.

Pawisan na kami sa pag-eensayo. Mula ulo hanggang sa paa,oo hanggang sa pawisang paa na paghubad ko dahil pasmado ay may amoy paa talaga, hahaha. Ang basang damit ko, na pinawisan na, amoy di na maintindihan dahil sa samu’t saring amoy ng pawis, pero masaya. Magkamali, ulit, ulit dahil mali, pero hindi kami nagrereklamo, ito ay para kay San Pablo.

Bale, halos suki na kami ng DepEd night. Dahil sa bata at ako lamang ang lalaking guro sa aming paaralan, expected isa lagi ako sa ipapadala. Walang problema, basta kaya ng kalusugan para kay San Pablo, arya!

Lingo ang nakatakdang palabas. Huwebes na wala pa akong costume, sa bagay madali lamang iyon, ipinapatahi na ng ang costume namin, nakabili na ako ng camiso chino. Ang siste nito, ang mga babae, wala pang mga costume. Kaya ito.

Bukod sa ngarag sa paghanap ng costume, pagdating sa iskul, lesson plan naman ang aatupagin, Haist, dahil sa DepEd night, ang aming buhay guro ay nagkakabuhay dahil sa pagsayaw.

Balye!San Pablo!Arya!


No comments:

Post a Comment