Friday, July 5, 2013

7 Lake Adventure Trek

7 Lake Adventure Trek fever ng San Pablo, bukas na!

Madagundong ang opening ceremony ng San Pablo City Council dahil sa paghiyaw ng mga batang boy at senior scouts sa pagpapakilala ng kanilang paaralan sa kanilang yell.

Hindi nagpapatalo ang bawat delegasyon na nagmula pa sa iba't ibang council tulad ng Quezon Council, Lucena Council, Manila Council, at syempre ang host council San Pablo City Council.

Ito ang pang-apat na taon ng council na paglilibot at pagmamalaki sa tanging lungsod sa buong Pilipinas na may pitong lawa-Sampaloc,Bunot, Yambo, Pandin, Muhikap, Kalibato at Palakpakin.

Halina at bisitahin ang pitong lawa ng San Pablo. 

No comments:

Post a Comment