Friday, July 12, 2013

Walang hanggan

Naalala kita
Isang umaga pag gising ko
Isang ikaw na lang
Ang kulang talaga

Naghihintay ako
Sa iyong pagdating
Ikinatatakot ko
Pagkikita natin

Handa ba akong
Muling buksan ang puso
Na ang naunsyaming pagtingin
Sa akin mawaglit rin

Sa muling pagkikita
Hindi na kita iiwan
Hindi na kita lilisanin
Hahawakan ka walang hanggan.

No comments:

Post a Comment