Saturday, June 29, 2013

Jiggy Manicad

Bilang bahagi ng kanyang pagmamalasakit sa mga San Pablenos, naglunsad siya ng isang proyektong makatutulong para sa mga batang may hilig sa journalismo. Si Jiggy Manicad, ng GMA Channel-7 sa SM San Pablo naghasik ng kaalaman.

June 29, mula ika-9 ng umaga hanggang lagpas ika 12 ng hapon ay nagbigay ng seminar tungkol sa journalism. Isang kawanggawang magbubukas sa mata ng mga batang may hilig dito upang magkaroon ng dagdag na kaalaman sa field na ito. 

Mahigit limangdaang participants mula sa pampubliko at pribadong paaralan kasama ang mga advisers ang nakinig at naging saksi sa kanyang pagbibigay ng kaalaman.

Libre ang registration at venue sa nasabing seminar na mismong si G. Jiggy Manicad pa ang nagbayad sa venue. Si Jiggy Manicad ay batikang mamamahayag sa telebisyong sa GMA Channel 7 at awardee sa lokal at international award giving bodies, siya rin ay ginawaran ng Natatanging San Pableno taong 2012 at TOYM awardee rin.

Salamat Mam

June 28, isang magandang umaga ang sa lahat ay naghihintay sa paaralan.Lahat ay naghihintay sa pagdating ng isang mahalagang tao sa araw na ito, sii Bb. Gloria Gamo Corcega.

Guro ng may tatlumpung taon sa pampublikong paaralan, si Bb. Corcega. Guro ng ikatlong baitang sa paaralang akin ring pinagtuturuan, ang San Antonio I Elementary School, lunsod ng San Pablo.

"Bakit walang tao sa mga room?Bakit tahimik?" ang bungad niya pagpasok ng tarangkahan ng paaralan. Sinabi ko, "hindi ko po alam. Pero tingnan natin sa may covered gym, Inay ( ang aking itinatawag kay Mam Uyeh, ang kanyang palayaw).

Sa likod nandun ang mga bata. Matamangnaghihintay sa kanyang pagdating. 

Sinimulan na ang programa sa kanyang pagdating. Ang bawat baitang ay may inihandang presentation, may sumayaw, tumula, at umawit. Panauhing pandangal ang dating pangulo ng PTA, si G. Dante Maralit na naghandog ng mga mala-pang-haranang awitin.

Bumuhos ang tuwa at luha sa paghahandog ng bouquet of flowers at balloons sa ating tanging Ina ng paaralan.

Bakit ba may ganitong pagdiriwang? Huling araw na ng pagiging guro ni Inay. Magreretiro na siya. 

Ninais niyang isekreto ko ang kanyang pagreretiro sa mga kasamahan, kaya't sinekreto ko talaga siya na may inihanda kaming programa sa huling araw niya sa aming paaralan.

Maraming salamat, Inay (Bb. Gloria Corcega).

Wednesday, June 26, 2013

How Lucky I Am

My mother ( I just called her “mother” but she’s not my mother actually) texted me yesterday,late afternoon to call her through phone. So I went to the principal's office and dialed the numbers and looked for her. Luckily she’s besides the telephone waiting for my call.

She told me to prepare papers because there will be an opening position.(For whatever it is, let me live it behind). So I let a few people knew the decision I will make, in days to come. I texted few people to know that I will try my luck again, not once not twice but it will be my third time. That was late in the evening.

One dear friend of mine texted me, "Yup.You will". Another one told me, “Sir, don’t go.We will make petitions so you won’t leave us.” Another one said ”Pipigilan ka namin, then chuckled.” I felt flattered.  Until, early this morning I cried for the text message I received, and it stated like this:

“Nung umalis si ________________( our friend who transferred to other division) sa school,napakasakit nun para sa akin,naka move on ako kasi nanjan ka pa.Pero kapag ikaw ang umalis.Naku,panu na ako?Panu na kaya ang school,Kme,pag wala ka?”

This message really made me cry early this morning. I felt so blessed that I have friends like them who treated me that important. I won’t forget this day.

Saturday, June 22, 2013

Rights Plus Responsibilities



Men have rights. We have right to play, right to run, right to shout and right to jump, but even we do these rights, let us be responsible for each.

I still remember one of the books that I have read, entitled, “Enjoy God’s Best For your Life”, one of the chapters there was about Saint John Bosco’s famous maxim,, “Run, shout, Jump and Play-But do not Sin.”

We all have the right to play, we can run everywhere, but let us follow the park’s signs, like “Do not pick flowers.” Let us not destroy its garden to maintain its beauty, we can play and run but avoid sin.

On a vacant area, we can shout out loud and listen to the echo of our voice because we enjoy hearing it, it is our right, but let us not utter foul words just to enjoy the moment. We can shout but do not sin.

We can jump elsewhere, like in a cemetery but let us not step onto the graves. Let us respect them. We can play when are visiting your loved ones who have passed away but let us show respect to them. We can jump but do avoid committing sin.

Men have their life to live and enjoy, coupled with our rights, but we should be responsible.



Kinder at Age of 5



Education is a right. The constitution states that every Filipino child should go to school and must be in school, at age of five.

Yes, as early as five years old as required to attend schooling under the K-12 curriculum where K stands for kindergarten, all pupils are required to undergo kindergarten before they entered Grade-1.

As stated in the Dep Ed Order No. 21 series of 2012, enclosure number 1, only children who are 5 years old by June and until October of the same year will be eligible for admission.

At this level, pupils are taught how to mingle and socialize with others. Unlike before, there was the eight-week curriculum applied for kindergarten. Now, it is made easier and simpler than what the curriculum used to be. There are only the so- called meeting time, snack time, the small and group activities.

All these are upon the implementation of the K-12 curriculum, which is mandated by the law, even the private schools must adhere with this law, and this was already signed by the president of the republic.



Faith



Remember the times when the down is on top.

God really exists and He is really with us every time we need His presence. The moment when problem arises, there is no one but Him whom you can count on. It’s only Him whom you can rely on. It’s still vivid in me the times when I need someone to lean on, someone to be with, but no one is around. I just found myself kneeling in front of the Blessed Sacrament, at the altar, talking to Him, sincerely staring at Him very intently.

There was a time that I don’t know where to go and don’t know what to do. At that very moment I asked Him, “What should I do?” Until, I saw somebody outside, begging for alms, something to eat, or for even a few centavos to buy food. Suddenly, I realized how blessed and grateful I am for there are more people suffer more than the sufferings I am going through, that my pain is just a bit of what they had. I learn that helping others instead of weeping, in the midst of my agony, matter most and my faith can make all these possible.

No matter how heavy your burden is as long as there is God, there is way. For as long as there is Him there is way out, there is solution. As long as you have faith, you won’t be lost, that when we’re down, just “Pray, hope and don’t be afraid”, Saint Padre Pio’s famous maxim.



Best Way to Help



Helping is a wonderful trait, we Filipinos are known for.

The Bayanihan, a form of voluntary work for others, is still very prominent today, even elsewhere.

We love to help, it’s in our nature. When we experienced natural calamities, we volunteer to help out. We band together after disasters, whether natural or man-made, and go out of our way to be of assistance.

Sometimes, though, the problem is that we do not think much before helping.

For instance, during typhoons, the country rushed to gather used clothes and foods.

But there was a funny thing we noticed with all the dry goods collected. Some gave “too much used” clothes, too loose that even two or three people could fit a short without garter and a gown, as part of their donations.


Yes, we love to give, and help, but let us consider the best possible we could give for others.

Thursday, June 20, 2013

Pananabik

Sa isang kaparangan, naroon ako. Naghihintay sa 'yo.

Magulo sa aking mundong ginagalawan. Nandun ang maraming pagkukunwari. Nandun ang maraming kabalintunaan at iilang kabutihan. Marami mang katotohanan ang sa aki'y lumipas hindi ko maalis ang maging pala-ibig, ang maging mapagmahal. 

Tahimik akong naghihintay. Sa bawat hakbang pauna, hindi kita maiwan,bagaman magkaiba ang hakbang ng ating pinanggagalingan. Narito ako, sa isang sulok ng kawalan. Pilit humihiwalay sa nakaraan, subalit umuusbong man, sa pag-iisa, sa gabing tahimik, ikaw ang napapadampi sa isipang nag-iisa.

Nalulumbay man, umaasa sa aking panunuyo sa isang ikaw ay mabubuo pa rin ang bukas na pinapangarap. Patuloy akong mangangarap, patuloy akong aasa, patuloy mong mararamdaman ang aking presensya, kung hanggang kailan, sa akin, walang hanggan. 

Asahan mong, mula ng ikaw ay makita ko, ikaw ang siyang itinatangi ng pusong ito.

Sunday, June 16, 2013

Delicious Lunch

It's God's grace for waking me up this morning. I must be thankful for allowing me to spend another wonderful day on the place He perfectly created for us.


delicious lunch prepared by "Mother" for me. Thank you very much Mother.
A combination of crispy fried ham and chicken with chiffon cake and pineapple as dessert.

Another great blessings I must be thankful is that, a very delicious lunch I have today. I go to school to check the estimated number of wires needed for the re-alignment of the electric connection in every classrooms. So I requested the presence of my colleague’s uncle, an electrician to estimate the materials needed. Before lunch time, he finished doing the chores. Together with my colleague, they left the school and I was now alone. I have to prepare my lesson plan because I was not able to finish it last Friday because we had our General Parents Teachers (PTA) Election, and other matters to do.

“Sir Vince!”, an angelic voice outside. It’s our student’s voice at the gate shouting. The gate happened to be locked because I was alone inside. To be safe, I locked it. I saw my pupils and my colleague outside, they brought me lunch. My colleague told me that “Mother”, her mother actually but I usually called her mother too as respect, don’t want you to get hungry because she knows it already lunch and you don’t have something to eat. So she prepared a very sumptuous lunch. Thank you very much Mother. 


I must be thankful for these blessings today that I have received. Through God’s grace and will, He always don’t make me feel I am forgotten. I hope everyone would feel the same.  

Saturday, June 15, 2013

Haplos

Mahal,
Hanggang kailan
Maghihintay ang puso ko
Nangungulila sa iyo

Handog 
Ang buhay ko
Sa bawat pintig ng pulso
Ay alay lamang sa iyo

Lahat ibibigay
Basta't sa akin ika'y
'wag nang mawawalay



Sabihin mo sa akin
Kailan mali ang pag ibig
Kailangang  bang masaktan pa 
Ating mga damdamin

Yakapin mo ako
Oh hagkan mo akong muli
'wag kang bibitiw
Sabay nating lalakbayin 
Ang langit

Panu 
Magwawakas
Ang paghihirap ng dibdid

Sa Diyos ako'y nananalig

Handog 
Ang buhay ko
Sa bawat pintig ng pulso
Ay alay lamang sa iyo

Walang ibang hangad
Dahil itong puso
Ikaw lamang 
Ang pinapangarap



Friday, June 14, 2013

You were There

Brownout before midnight today. I woke up because of the mosquito bites. I can’t sleep well. From my bedroom, I transferred and went straight to the sala where the ventilation was bit better than my room.
Still, mosquitoes chased me. I returned to my room to get my scout socks. It is a long sock, therefore mosquitoes couldn't bite me anymore, and I returned to the sofa.

You were there. You sit beside me. You came along from a distance. I said “I have to go” because it is my first day of school at San Pablo Colleges. You told me not to go, because you will be alone today. I followed your request. I didn't leave the house instead we go biking outside. You taught me how to sing songs that you are inclined with. We eat lunch together. We go swimming. We eat snacks, your favorite snacks, pizza and soda. Until dawn, we enjoyed the day. Until, I heard this sound that struck my eardrums….


The crowing of the rooster outside! My goodness I was just dreaming. I dreamed of you last night. Anyway, because of that experienced in my dream, you were with me and at least even in a dream we met again, and together we both had a wonderful moment.

Thursday, June 13, 2013

Ikaw pa rin


Ninais kong umawit dahil sa kaligayahan
Ninais kong tumula dahil sa tuwa
Ninais kong lumuha dahil sa galak
Ang lahat ng ito, nadama dahil sa iyo.

Hindi ka man mayakap
Hindi ka man maramdaman
Sa piling ko ang diwa mo
Nagiging parang totoo.

Ang pag-aakala mong
Nilisan ka ng walang paalam
Isang pagkakamali,sapagkat
Ikaw pa rin, nanatili.

Sa angking pagkukubli
Ng damdaming nasaring
Asahan mo sa pagbabalik mo
Naghihintay yaring puso ko. 

Wednesday, June 12, 2013

Pagtatapat

Hindi ko pipiliting magmahal kung wala kang pagmamahal sa akin, subalit ang maramdamang minamahal mo ako ang magpapatibay na magmamahalan tayo hanggang sa dulo ng walang hanggan. Hindi ko nanaising masaktan o makasakit, sapagkat hindi ko hihintaying muling masayang ang pagmamahal na ipinagkaloob mo para sa akin.

Positive Talk


Tonight, I just finished reading the book that a dear friend of mine gave me entitled, “Enjoy God’s Best For Your Life.”

One chapter again struck my attention,  Chapter 52 “Have a Positive Talk”

Arun Gogna stated that, we talk to ourselves more than we talk to other people. In an average of 16 hours that we are awake, we talk to ourselves almost 15 hours. According to best selling author Brian Tracy, 95 per cent of our emotions are determined by the way we talk to ourselves. What we say to ourselves has a tremendous impact in our lives!

What do I tell to myself most of the time?

Being attached to different kinds of persons, I discovered the power of talk. I have won friends not just because of my ability to communicate well, but because of what I tell to myself positively. I want to gain friend, and I want to, so I need to be positive.

But, I don’t know why, there are times, I talked negative things to myself as well. For instance, I used to asked myself, why does this person seems changed? Before, whenever we talked it as if we really missed each other that much and whenever I send message, in a bit there is a reply. But now, I don’t know if this person don’t trust me anymore. Might as well, this person don’t want to communicate with me. But, to make it balanced, I just tell to myself, this person is just busy. Time will come, “I do hope”, everything will return into place.

Those times that when we chat, it as if we are missing the words of each other because we, again, will talk the way it was before.

I need to be positive, because it keeps me in a good path, positive outlook and being positive person. "I won't give up for as long as you are there, my friend."

Internet Connection


Umuwi akong may kalungkutan sa aking sarili. May tao akong nais makita. May tao akong gustong makita. May nais akong masilayan, subalit hindi ko nagawa...walang magawa.

Pagdating sa bahay, diretso lang ako sa aking higaan. Palibhasa,umaambon,malamig, hindi ko na ninais na kumain ng hapunan kahit ako ay inaalok ng aking ina sapagkat busog pa naman ako. Malungkot rin syempre. Ninais ko man na makausap ang taong gusto kong kausapin hindi nangyari.

Nagkaroon ng pagkakataon na makagamit ng internet. Sa aking palagay,magigigng masaya ako, subalit isang kabalintunaan. Mahina ang signal ng internet.

Pinipilit kong maka-connect muli upang makapag-unwind man lang. Maraming online na kaibigan sa mga oras na iyon, subalit pinatatakam lamang ako ng aking signal,mawawalan, magkakaroon. Gusto ko mang mangumusta sa taong gusto kong kausapin ang signal na ito ang hindi umaayon.

Minarapat ko na lamang na itigil na ang pagnanais na makausap ang nais kong kausapin, marahil abala rin sya kaya't gumawa na ng paraan ang internet connection na ipagpaliban ang pang-aabala ko sa kanya. 

Araw pa naman ng "kalayaan." Bilang isang mamamayang nakikinabang sa kalayaang nakamit mula sa pakikipaglaban ng ating mga bayani, na nagbuwis ng buhay, isang pagpupunyagi sa ating mga dakilang bayani. Salamat sa inyong inialay na buhay. Ang mga kabataan, matapos ang inyong pagsusumikap na makamit ang kalayaan, ay ang siyang magpapatuloy ng pangangalaga upang ang kalayaang nakamit at ipinaglaban ay manatili.

Isa pa, nananatili akong malaya,nabubuhay ng naayon sa aking kagustuhan. Ito kahit na humina ang koneksyon ng aking net sa araw na ito, ay dapat kong ipagpasalamat.

Ipinagpapasalamat ko ang mga ito.Gayundin,kahit sa konting sandali,nakausap ko ang taong nais kong kausapin.


Sunday, June 9, 2013

Pagmamahal ng Isang Ina

June 3, ang unang araw ng pasukan. Maraming tao sa loob ng paaralan, mga magulang, lolo,lola, nanay, tatay at mga kapatid, syempre nandun din ang mga guro,kapwa ko guro.


Marami ring naghihintay sa tapat ng aking silid. Binuksan ko ang aming silid at excited pumasok ang mga bata. Marami na ang bata ko sa unang araw ng pasukan pa lamang.


Subalit, hindi ako pwede sa amoy ng pintura. Ilang araw bago ang pasukan, nagpapintura ako ng upuan ko. Hindi ko maaring hindi maamoy ang masakit sa ilong na pintura. Sa madaling salita, halos maghapon akong bumahin nang bumahin. Uminom man ako ng gamot na antihistamine, wala ring epekto. Mag-aawasan na halos nanlalambot na ako. Mabigat na ang aking pakiramdam.

Umuwi ako sa bahay halos dapit-hapon. Inaalok ako ng aking Ina ng hapunan subalit diretso lamang ako sa aking higaan. Hindi na ako nakapaghapunan pa.

Hindi man ako nagsalita, ramdam ng aking ina ang aking masamang pakiramdam. Hindi pa lumalalim ang aking pagtulog ay ginising ako ng aking ina upang painumin  ng katas ng kalamansi. Umuubo ubo ako paminsan-minsan kaya't hindi rin makatulog ang aking ina. Bumangon sya sa pagkakahiga at ako'y minasahe ang likuran pati lalamunan ng isang vapor rub upang gumaan ang aking paghinga at huminay ang  pag-ubo. 

Sa loob ng ilang oras, maya't maya bumabangon ang aking ina upang ako ay silipin kung maayos ang pagkakatulog ko.

Hindi siya umiidlip ng malalim upang sa oras na ako'y umubo ay makabangon sya upang ako'y asikasuhin. Walang kapantay talaga ang pagkalinga at pagmamahal ng isang ina. Kahit may edad ka na, bilang isang ina, aasikasuhin at aasikasuhin ka nila hangga't kaya nila.

Maraming salamat sa mahal kong ina. Siyempre nandyan din naman ang aking ama. Umaalalay sa aking ina kung sya'y pagod na pag-aasikaso sa amin. Kapag ang aking ina ang hindi maganda ang pakiramdam, to the rescue ang aking ama.

Ikaw lamang


Walang kailangan pa
Para ikaw ay maangkinin
Walang pwedeng gawin
Upang isa't isa'y angkinin.

Sa tahimik na gabi
Sa kariktang iyong angkin
Ang ating pagsinta'y
Tunay na walang hanggan.

Kung sa aking palagay
Ika'y tunay na mahal
Wagas mong pag-ibig
Wala ngang kapara pa.

Sa aking alaala
Sa aking kahapon
Ngayon, bukas, kailanma'y
Ikaw lamang oh aking sinta.