Wednesday, December 31, 2014

Seryoso

Before...

You ask me "when will I get married? "
I just uttered," pag may time. "
I knew you got mad because I didn't answer you seriously.
The whole truth...

I can't say directly that time,
" Mahal kita, di mo ba nadarama? "

Tuesday, December 30, 2014

Bulong ng Puso

Flashback....
Nakaupo tayo sa isang kawayang upuan, sa harap ng isang ilog na tahimik na nakikinig sa usapan naten, hanggang sa bigla mong naitanong,
"kailan mo plano mag settledown?  "
Hindi kita nasagot nang diretso, kaya't na sambit ko " kapag may time. "

Subalit di ko tuwid masambit ang aking nais sambitin sa harap mo na, " mahal kita, di mo ba nadarama?"

Kung pwede ko lang sabihin nang mga panahong iyon na, "  mahal kita, pwede bang tayo na lang?"
Subalit walang lakas ang puso ko, walang tapang ang dila kong sambitin ang mga katagang iyon dahil ayokong mawala ka sa akin.

Ayokong magbago ka sa akin. Ayokong mawala ang pagkakaibigan natin. Dahil sabi mo hindi mo gusto ang kaibigang magmahal sa iyo nang higit sa ipinapakita mo.

Natakot ako. Mas pinili kong maging alipin ng sarili kong pagnanais. Ninais kong itago at ilihim sa iyo ang damdaming nais kong pakawalan sa iyo.

Matama lang akong nakatingin sa kalawakan. Matama kong nililingon ang mga bituin sa langit. Nanalanging sana, mayakap kang muli. Sana ikaw at ako maging laban man sa mundo.

Sunday, December 28, 2014

You are the best for this Season

I don't know why I longed for you this moment. I missed you so much. I wanted to be with you, hug you and feel your arms around mine. I wanted to kiss your tender lips. I wanted to see you, it will make each moment of mine a great moment. I don't know if you feel the same, but as for me, I have made my decision, I wanted to be with you. The problem is I don't know where you are right now. I don't know if I could hold you. I don't know if you feel the way I feel this feelings. I learned to love you, just the way you showed me how much you wanted me. You showed me how important I am to you. You never told me how much you value me but I feel it. Every time, you are far from me I felt so bad, but I have this feelings that tomorrow is another. There are still tomorrows for the two of us. You will complete this year if we see each other, but your statement don't assure that we could have each other. I am sad right now. I am incomplete right now. I am praying that miracle will happen so the two of us will see and let me say how much you are being loved by me.

Incomplete



You are the only person who will complete me this year. How I wish things happened in an instant that even for a day we would spend each other not minding the world outside, people outside. You just keep me thinking of what you are doing, where you are right now and what you are doing. I am lonesome. Its you who can make this mending heart complete. Right now, I am incomplete .(12-25-14)

Friday, December 26, 2014

I can still Recall

Sometimes ago....

Long time its been so long... i just rememered the moment.

Let's meet, you said.  You want to see me even just for a moment, or even just for a day or an overnight one. You want me to reply immediately to your pending request. No matter how busy our schedules, either yours or mine, we MAKE it to a point we will spend time together even just for a moment. That was before.

You know,  i missed those moments . Those simple time we spend each others riding in a trike, a jeepney, a bus, or even in my motorcycle, we just enjoyed and called that day a date. A simple embrace, simple Kiss, simple toss, simple treat for each other but you still manage to say  "thanks for the good time."

I still have those thoughts that we could still have enough time for each others. It was not fantasies to fulfill but a reality to determine. I can still recall.... I won't forget those, it will still remain in me forever.

Incomplete without you

I don't know why I longed for you this moment. I missed you so much. I wanted to be with you, hug you and feel your arms around mine. I wanted to kiss your tender lips. I wanted to see you, it will make each moment for me a great moment. I don't know if you feel the same, but as for me, I have made my decision, I wanted to be with you. The problem is I don't know where you are right now. I don't know if I could hold you. I don't know if you feel the way I feel this feelings. I learned to love you, just the way you showed me how much you wanted me. You showed me how important I am to you. You never told me how much you value me but I feel it. Every time, you are far from me I felt so bad, but I have this feeling that tomorrow is another. There are still tomorrows for the two of us. You will complete this year if we see each other, but your statement don't assure that we could have each other. I am sad right now. I am incomplete right now. I am praying that miracle will happen so the two of us will see and let me say how much you are being loved by me.

Wednesday, December 24, 2014

Isang Liham

Kaibigan,

Ang makilala ka ay isang magandang biyayabiyayang aking natamo. Hindi mo alam gaano ako nagpapasalamat sa iyo. Ikaw ang nagbigay ng liwanag sa aking daan. Ikaw ang pumupuno sa aking isipang nagugulumihanan.Ikaw ang aking takbuhan kung ako nalulungkot may problema....

Ngayon, tila ramdam ko ang iyong kalungkuta. Alam mo kung ppaano ako abutin. Alam mo namang lagi lamang akong naghihintay sa iyo. Ngayong ramdam ko ang kalungkutan mo, sabi nga ni Tito Boy, "kaibigan, halika usap tayo .

Kaibigan, sana may magawa ako upang mapaligaya ka. Mahal kita alam mo yan. Mahalna mahal. Ganun ka kahalaga sa akin. Ako ay naghihintay laamang sa iyo.

Tanging dalangin ko sa Poong MMay kapal ang iyong kalungkutan ay maibsan at mapalitan ng kaligayahan. Panalangin ko nawa ang iyong mga pangarap at naiisip ay maging matagumpay at tulungan ka nawa ng mapagpalang Lumikha.

Nagmamahal,

Iyong kaibigan

Saturday, December 20, 2014

Oras

Oras. 

Ito ang hindi naten mabibili ng salapi, tanging pagkakataon at hindi natin ito kayang ibalik. Hindi natin ito makakayang tapatan ng anumang bagay,isang regalong tiyak walang anumang mamahaling laruan o ano pa man ang maaring makasapat. 

Friday, December 19, 2014

Be strong

Accept all the challenges so that you can feel the exhilaration of victory
-General George Patton Jr.

note:how i wish i could....

Happy

Somebody's post, just want to add here: I think it's proper if the ending of whatever we have right now will be a mutual decision so that not one of us left while one was left behind. It's like standing in the middle of the bridge, agreeing that we both take the opposite path promising not to look back. We should end it not because we're giving up but that's the right thing to do. On my part I'm letting you go because i do love you. You deserve to be loved fully, to be introduced to friends and family, to spend the whole time with. I can not give u all these. Moreover, i don't want to be the instrument of ur guilt bacause i know it makes you feel bad and it kills me to see you in pain. Maybe we were given a second chance so that we'll not live in what if. I was able to share to you a part of me that very few know. I was able to take care of you and that made me happy.

Pakisabi raw sa kanya...



It's not from me.

Please tell it to her.This time it's really goodbye. I can't offer you friendship or can't have small talks with you because we have proven that we're having difficulty remaining "friends". Maybe, someday but definitely not now. Thank you for the laughter and sadness we've shared. Thank you for giving my life back. Thank you for showing me I'm still capable of loving. I wish you happiness because u have given me so much when I had none. I'm okay. U don't have to worry about me. I know this day will come. It might not be as easy as I imagined it would be but it's bearable. I hope I'll forget you easily and I promise that u would be the last to be given a chance. I believe I learned a lot from this. Let me tell you this one last time "I love you".

Saturday, November 29, 2014

May sasabihin ako...

Kasama na kita,
Subalit ang sabihing mahal kita
Ni hindi ko pa maiapila
Kailan ko ito masasabi kaya?

Kay tamis ng iyong labi
Akin nang inaasam-asam
Mga halik at yakap mo
Hinahanap-hanap ko.

Giliw ko mahal kita
Salitang ako'y napapatda
Kapag nandyan ka na
Sa harap ko aking sinta.

Huwag kang magagalit
Kung akin mang ipilit
Masambit ko sa iyo
Mahal kita, ok lang ba?

Kahit sa diwa ko
Ikaw ang nais ko
Kahit sa paggising ko
Hinihintay,pagbabalik mo.

Huwag ka sanang magalit
Huwag ka sanang lumayo
Totoo itong nais ko
Sambitin, mahal kita, giliw.


Bakas ng Kahapon

Piloto.Ito ang gusto kong maging, bago pa ako pumasok sa formal na pag-aaral. Subalit nagsimulang magbago ang aking pangarap nang makilala ko ang guro ko noong Grade-1, si Gng. Minerva R. Abarquez. Hinangaan ko siya sa pamamaraan ng kanyang pagtuturo at paraan ng kanyang pakikitungo sa mga mag-aaral. 

Tandang tanda ko pa kung paano niya ako tinuruang magsulat ng aking pangalan. Tandang tanda ko pa kung paano niya kami i-motivate na matutong sumulat at bumasa. Mahusay rin siyang guro. Dahil siya'y isang ina, mga anak ang turing nya sa amin.

Malambing sa amin,mahilig magbigay ng pagkain at kung magalit, hindi kami natatakot, subalit sumusunod kami. Hindi niya kinakailangang sumigaw para lamang kami ay sumunod, malambing siyang nagsasalita sa amin.

Kaya't matapos kong matuto sa kanyang pamamaraan at matutong bumasa at sumulat, binago ko ang nais ko, ang maging isang guro.

Ngayon ko naranasan, hindi madali ang maging isang guro. Subalit, sa bawat hakbang ng aking pakikibaka at pagtupad sa sinumpaang tungkuling, ang aking mga guro naging guro, lalo't higit si Gng. abarquez ang aking muli't muling binabalikan at inaalala, ang bakas ng aking kahapong kay ganda. Ito ang naging daan upang ipagpatuloy ko ang sinimulang adhikain, ang maging guro.

Sunday, November 16, 2014

Mahalaga Ka, Mahal kita

Kasabay ko ang isang kaibigan. Nasambit nya ang bahagi ng linya ng awiting tumatatak sa akin.

"Di ko man maamin. Ikaw ay mahalaga sa akin...."

Mahalaga ka sa akin. Sana nadarama mo ang pagmamahal kong iniaalay ko sa yo. Sa tuwing tayo'y magkasama, alay ko ang sarili ko para sa 'yo upang mapaligaya kita sa kahit sasandaling magkasama tayo. Di ko man nais na ikaw ay makitang tumatalikod upang magkawalay tayo. Nais kong iparating sa 'yo mahal kita. Sana dama mo iyan.

Ang mga sandaling alam kong tayo'y magsasamang muli ay aking hinihintay upang sa ganun maialay pag -ibig kong sa iyo ay ibibigay.

Respect


How I wish you could hear your voice and left your respect unto yourself. I never urged someone to give respect neither command nor impose respect. Because respect begets respect. 

The main reason why you failed to be respected is that you owe yourself to be respected. You don't know how to show it that's why its too hard for you to practice what you preach. I symphatized to your grief. It shows into your face how sad your inner self because you failed to educate yourself of having the said virtue. 

How I wish time will come you will give yourself a chance to speak before you and reflect," Am I worthy of my profession? Am I worthy of what I have ? Or merely because of what I am doing, I am suffering the consequences of what I have done?" 

In the end,I do hope and pray that through the intercession of the holy spirit may your guardian angel guides you and may your words be of virtue and worth emulating in consonance with your action.

Until Eternity

Masaya ako.everytime na I'm with you.

Even if I can't hold your hand that long still we are reserving the whole night just to have each other. Never will I regret any moment being with you. 

To feel you on my side and hear those soft breath of yours kept lingering on my ears while you were sleeping . We are on different world apart but we still have the time to meet halfway and be with each other's arms. 

Occasions keep us together. No matter how long I have waited still I will do the same thing just to show how precious you are to me. I wont ask for everything,you are more than enough to make my day great,week bless and forever grateful for you and I will be together until eternity. I am hoping for that day. 

I pray that whatever we are having right now is the beginning of eternal love for the two of us.

Best December

Disyembre. 

Here we go again. I can still remember this month when all of a sudden you texted and told me you will be coming to see me . So much joy, excitement and mixed emotions in my part. Most of all I'm glad seeing you for so many years we haven't met. It was late in the afternoon I saw you standing in front of a cake store inside the famous chain mall in the country. That moment I dont know what must I felt but to tell you honestly my heart beats so fast. Never in my wildest dream you will visit me. We greeted each other. 

Then we walked outside and brought you to the city proper where I earned a living. We had photo op, under the misty rain. Then we ate dinner. Its late in the evening and the rain blew harder that night so we decided to go home. We reached home too late but we still had a chance to have a coffee break and drunk wine and talked for a while. Its almost dawn when we decided to go to bed. 

That was the most unforgettable moment being with you. Its almost morning when you were awaken. I heard your soft breath and feel you.You mean so much to me. I hope never would it be forgotten for that was a momentous moment I had with you.

Missed You

Sometimes this year. Its been so long I haven't read any news about you. No chat. No phone calls. No hi, even hello. Until some months ago I read a private message came from you, stating "lets meet." My heart shouted like I won a prize. I longed to have you, be with you. Thank you for the moment. I don't know how you feel about me. I can't ask about it because I am afraid I might be rejected. I am contented with what we have,I will treasure you everyday of my life.

Dear Friend

Its true,when you pray He has His unique way to talk to us, whenever,wherever we are .

It happened weeks ago , I just want to share this.

When I was on my way to work and reflecting while inside a passenger jeepney, praying and hoping to be more patient and respectful that day,until a dear friend of mine sent this message.

"Gudam.
Smile
Be thankful
With a new day.
Be a blessing. "

This friend of mine don't know how much this message helped me a lot that moment. Simple yet very meaningful. Thank you so much.

Blessings

Thanks God its Saturday. Too many blessings for me.

I woke up too early because of my brother's alarm, a room besides mine. It kept on alarming too early and yet he don't mind it. I can't turn it off so I just ignored it. Until I needed to pee so I went to the restroom and returned immediately to my bed. I thought I will fall asleep until another alarm from the same room and bed was heard.

Instead of making myself felt bad, I just prayed and thanked God for this wonderful morning. I had another day to spend with my loved ones.a blessing indeed!

Around 9 a.m I smell delicious odor came from the kitchen. Oh its my elder sister. She prepared hot soup to sip for a cold morning. Its my favorite, so another blessings. I had a full stomach.

My colleague requested me to visit her and so I did together with "her."
Then, while travelling back to the city to go home, "her" and I decided to visit a dear friend, actually she's a mother for me,so we went straight to their house and had a very funny, relaxing and fruitful convo. She left us for a greener and happier pasture, just a neighboring city not too far from us.

The highlight of todays blessing, I opened my facebook account. An inspiring message was written on my wall. It came from a former journalist and a boyscout as well. He wrote on my wall his message for me. That he missed me those times when we were at the Regional Schools Press Conference in Lucena City, during our BSP encampment and the most striking "ang gurong laging binabahin." Hahahaha.

I felt so blessed that even if we dont usually talked and years had passed still those moments when they were with me kept on making their yesteryears a memorable one.
Thanked God.

Ikaw ang aking Ngayon at Bukas

Kahapon,ngayon at bukas.

Parang kailan lang marami na akong nasubukan ,naranasan at pinagdaanan. Hindi ko na mabilang ang pagsusumikap at pasakit subalit nandun si pagtatagumpay.

Kahapon ako'y isang musmos na nagangarap ng isang adhikaing makapagbabago sa aking hinaharap. Sa pagsusumikap,nakamit ito. Subalit tila ang pagbabago ay siyang tiyak na malimit simula ng "discontentment" kung kaya't pangarap ko'y hindi tumitigil,paghahangad ko'y hindi natatapos.

Ngayon, isang panibagong yugto ang nais kong tahakin,nais kong suungin,nais kong kaharapin ang buhay kasama ka. Hindi biro ang aking pinapangarap. Nakaranas na akong magmahal sa maraming paraan, sa maraming dahilan sa iba't ibang karelasyon, paghihiwalay ang kinahantungan. Subalit ngayon nais kong ipaglaban ka hanggang sa huli.

Bukas paggising mo mahal pa rin kita. Ikaw ang aking ngayon,bukas at walang hanggan. Mahal kita alam mo ba?
Ikaw nga walang iba.

Sunday, November 9, 2014

Gising Pa

Napakahirap kalaban ng isipan kapag tutulog na. Habang papalapit ka sa higaan halos isarado ng talukap ng aking mga mata ang mga ito subalit paglapat ng buong katawan sa higaan heto biglang naging aktibo utak ko. May kung anong sumagi sa isipan kaya ang reaulta sa kakaiwas sa pag entertain ng napasiksik sa utak umaga na mulat pa. Di makatulog habang ang iba pupunta na sa trabaho, ang iba gising na at maghahanda ng umagahan, ako inumaga na dahil hanggang sa mga oras na ito inaantok man ako aktibo pa rin si isip ko. My goodness.

Ang Kay Juan ay kay Juan

Yung kalsada kahit 4 lanes dalawang diretsong direction lang ang mayroon yun,kapag nang agaw ka ng lane tiyak aksidente mangyayare. Kaya para safe kung bound to Manila huwag kang sasalubong sa sasakyan na bound to Bicol, napakalaking bawal nun.

Tuesday, November 4, 2014

Pagkikita

Nabasa ko sa post habang naghihintay akong mag open nang maayos ang fb account ko.

"Darating yung point sa buhay naten may makikilala tayo at masasabi nateng kame lang ang pwedeng magkaganun kasi iba ang pinagsamahan namen. "

Tama. May taong sadyang di inaasahang darating at magiging bahagi ng ating buhay sa kung anong kadahilanan iisa lang ang nakakaalam.

Walang dahilan, subalit bigla tayong nagkakakilala. Walang kaabog abog nakita ko masaya ako kapag kasama ka. Madama mo man ito o hindi halik man o yakap mo kinapapanabikan ko. Kay sarap isiping ang minsang nakaw na sandali sa ating buhay ay nagaganap upang maramdaman naten ang init ng isa' t isa. Gaano man kadalas ang minsan hindi na ito mahalaga. Ang mahalaga kahit paano tila tayong dalawa ay lumiligaya. Sa dako pa roon dumarating ang punto ng pag iibang landas subalit anuman ang mangyari ang pangyayaring naganap ay muli' t muli kong hihintayin upang sa ilalim ng sinag ng buwan at kislap ng mga bituin isa' t isa' y mayakap, mahagkan at masabing ikaw at ako para sa mundo.

Ikaw at ako na ang tanging makakaunawa sa damdaming nagpupuyos sa ating damdamin. Anuman ang kalabasan tanging dalangin ko wag kang bibitiw, huwag kang lalayo, mahal kita alam mo yan.

Isang Saglit

Mahal kita dama mo yan.

Di ko man masabi nang diretso mula sa labi ko ipinadarama ko iniibig kita. Magkalayong mundo natin ay pinagtatagpo ng iisang silakbo ng damdamin, ang pag- ibig.
Anaki' y di ko makuhang ipagtapat ang nasa loob sapagkat ako' y napapatda. Ang minsanang pagkikita ay nakapagbibigay sa akin ng ibayong sigla at ligaya. Tinadhana na sigurong mahalin kita sa dako pa roon.

Ang mga halik mo at yakap tibok ng yong dibdib nais kong marinig minsan muli,sa isang saglit. Maulit ang mga sandaling nagpapabilis ng tibok nitong dibdib.

Mga sandaling nakakulong sa isang sulok na nagbibigay ng masidhing pagsinta, pag - ibig sa bawat isa. Pakawalan ko man ang marubdob na pag- ibig init ng bawat bisig dama ng buong daigdig. Kasama kita sa tuwa, karamay sa sakit at kaagapay sa pagsinta.

Nais kong maulit ang mga sandaling yakap kita,hinahagkan kita, bisig naten magkayap sa buong magdamag tanging ihip ng hangin ang sa atin ay nagmamatyag at nagbibigay ng kakaibang lamig sa magdamag upang maibsan init nitong nadarama.

Iniibig kita, di ko masabi subalit sana dama mo aking sinta.

Flashback

Balik tanaw sa kahapong nagdaan.
Magkikita tayo nang panahong iyon. Una ninais ko lamang makita ka at malamang maayos ka dahil sa tagal na rin namang hindi tayo nagkikita. Araw,lingo,buwan ang mga lumipas tanging ilang komunikasyon lamang ang ating nagagawa.
May pagtatampo ka subalit kagyat mo akong naiintindihan sa mga oras na iyon. Magkikita tayo , tumatalon dibdib ko. Kay ligaya nitong puso ko na sa ilang linggong di kita nakikita boses mo, labi mo, mata mo ika mismo mayayakap ko.
Ni hindi ko makuhang tingnan ka nang diretso sa iyong mga mata. Baka makita mong nanabik akong masilayan ka. Subalit iyon talaga ang totoo. Narinig ko boses mo. Huh,grabe sobrang lundag ng puso ko. Halik,yakap, ikaw mismo na miss ko kinapanabikan ko. Ihahatid na kita. Magkakalayo na naman tayo nang saglit subalit alam kong bukas, sa isang araw, sa isang linggo,sa isang buwan magkikitang muli tayo.
Hinihintay ko ang bukas na makita muli ikaw aking pagsinta.

Thursday, October 16, 2014

All of Me

It’s been so long since I have felt how much I loved you. Time passed my heart  still fought for the feelings that I have for you.

How shall I utter the words directly to the one I love? Should I  say those three words even if I knew something will hinder for the two of us…we are torn between principles, dreams and priorities. Would it be fine to  be in a relationship without  expecting too much from each other?

I have come to a point that I want to say how much I care for you, how much I love you but my tongue tied, for whatever reasons I really don’t know. I am just happy seeing you, knowing you are fine and for a times having a short convo.

I am not expecting too much from you, but  I am trying to be contented for a moment how we spent the time together, even if not that often but still we still have each other.

Don’t worry time will tell I will utter these three wonderful words, sooner or later, let the time speak and let the wound of the past healed naturally until I am ready to give all of me.

Sunday, September 28, 2014

Ikaw Lang


Tamang init nitong panahon 
Kapalit ang ulan tuwing hapon 
Tanging hinihintay doon 
Masilayan ka sa banda roon


Makitang ok ka 
Maramdamang nandyan ka 
Ligayang walang patid 
Totoong ligaya iyong hatid


Malayo man sa aking piling 
Alam kong darating at darating din 
Tamang panahon sa atin 
Upang isa't isa'y yakapin

Wednesday, September 3, 2014

Miss na Kita

Sa bawat pagdating
Ng gabing kay rilim
Tanging maita ka
Nais ng damdamin

Sa pagtahak ng gabi
Sa paghimlay sa aking tabi
Inaasam tuwina
Makasama a sinta

Siyang pagnanais
Ang mayakap na kay higpit
Subalit pagdating nito'y
Talgang hinihintay pa

Sa aking paghihintay
Nais ikaw ay mayakap
Mahagkan na kay init
Waring bukas walang saglit

Thursday, August 7, 2014

Kamalayan

Isang gabing mapang amo
Tanging ikaw lamang at ako
Sa isang higaang nakatikom
Pipi,bulag, bingi

Sa ating pagtagpo
Sa isang sulok ng mundo
Ikaw ang ninanais ko
Tanging ikaw giliw ko

Hangad ko sa bukas na ito
Tanging ikaw ang matanto
Tanging ikaw mayakap ko
Mahagkan mga labi mo

Sa sandadling ito
Nananabik sa yo
Giliw kong inaasam
Hanggang bukas ay dinarasal
Naway kamay mapasiphayo ko.

Sunday, July 6, 2014

Haplos

Marahang pagdampi
Ng iyong balat sa akin
Tunay na nagpapangiti
Sa loob kong mapagtimpi.

Sa isang haplos mo
Pusoy sobrang napaamo
Bawat lapat nito
Hinahanap-hanap ko.

Sa muling pagtatagpo
Ikaw ang pinakaiisip
Nais kong sambitin
"Mahal kita" aking giliw.

Sa aking pag-iisa
Na di ka kasama
Tanging kahit sulyap mo
Magpapangiti sa puso ko.

Sa kalayuan ng lugar
Na ating pagtatagpo
Nais kong malaman mo
Hinihintay kita.

Naway haplos mo
Muling makamtam ko
Aangkinin buong puso
Pagmamahal na maiaalay mo.

Sunday, June 29, 2014

Pag-uusap

Tumunog ang aking telepono, nakita ko ikaw ang may mensahe. Natuwa ako sa aking nakita sapagkat wala naman akong ibang maisip na dahilan bakit may mensahe ka ganitong oras, maghahating gabi na. Kasunod na tumawag ka sa ganitong oras ng gabi. Gabi na ito at malamang karamihan ng mga tao sa paligid tulog na.

Malambing ang iyong pamamaraan ng pananalita kahit sa simpleng text message lamang ito ramdam ko ang iyong pagkamalambing.

"Bakit ka tumawag?" ang tanong ko.

Wala lang. 

Dito malimit magsimula ang aming usapan na umaabot kung walang pasok ng madaling araw,literal na madaling araw.

Nagalit siya sa akin sapagkat ako raw ay isang sensitive na tao na dahilan doon nagiging insensitive ako sa mga bagay na hindi ko napapansin nasasaktan ko siya.
Kagabi, maliwanag ang aming usapan. Isang usapang naging daan upang maging maliwanag ang aming usapan. Nasabi nya ang ma bagay na dapat sana'y sasabihin ya ng personal. Subalit dala ng aking pagkamatahimik sa twing kame ay magkasama hindi nagkakaroon ng pagkakataong magkausap nang matagal.
Isang bagay ang aking napagtanto, may hinihntay ka at sa akin dapat magmula, subalit kailan ko dapat ito simulan?

Hindi ko alam, ang alam ko lihim kitang pinakamamahal.

Insensitive

Insensitive

  1. showing or feeling no concern for others' feelings.
    "an insensitive remark"

Thursday, June 26, 2014

Kakulangan

Kulang ang di kita makita
Kulang ang di kita makausap
Kulang ang di kita mabati
Kulang kapag di kita napangiti.

Kulang ang araw na wala ka
Kulang ang araw na di kita mapaligaya
Ikaw lang talaga
Ikaw ang mahal ko sinta.

Ang saglit na oras
Na ikaw ay makausap
At kagyat na sandaling tapunan ng ngiti
Ligayang walang patid.

Kahit saglit, kahit tilamsik
Ng pagpansin mo sa akin
Ligayang walang humpay
Ikaw lagi hinihintay. 

Thursday, June 19, 2014

Ang ating Daan

   
Isang umagang kasing ganda ng  isang bulaklak
Ang makita ka ay isang ligaya
Sa pinagtagpong landas na ating tinahak
Isang marilag na bukas aking nababakas.

   

Tulad ng hagdang kay tarik kung tingnan
Sa bawat hakbang ko'y ligayang walang para
Narating ang kaitaasan, kasama ka aking rilag
Tunay na pag-asa ating natanaw talaga.


Tahanan ng langit, ating natanaw
Tahanang magbubuklod sa mga pusong mapagsinta
Tanging ikaw lamang laman ng isipan
Kapahingan tanging sa yo natatanaw 


Matapos ang pagod na ating dinanas
Kay sarap isiping natapos ang paglalakbay
Sa tuwina'y iisipin walang hanggan kapara
Kasama kang may ngiti nabuo itong araw



Katulad ng likong daan ating pinagmasdan
Kailanman ay di nasaring sumuko sa kapalaran
Magandang damong ligaw tanging nais matanaw
Maganda talaga ang ating naging araw.

Sunday, June 15, 2014

Ulan Tikatik



Tubig mula sa kaitasan
Pinananabikan ninuman
Sa ilalim ng ulap
Sa bintana ng langit.

Sa isang hapong tahimik
Ako'y sumayang saglit
Tinig mo ang narinig
Kasabay ng ulang tikatik.

Kandadong pintuan
Kagyat talagang binuksan
Bawat hakbang ng paa mo
Sabik na sabik akong totoo

Pagpatak ng ulan 
Kasabay ng iyong pagdatal
Sa basang kapaligiran
Ikaw talaga ang tumambad.

Kay sarap na isipin
Kasukob ka aking giliw
Sa tulong ni ulan
Nagkalapit yaring damdamin.

Ang ligayang saglit
Magdamag inuulit
Ngiti sa labi ko
Dala hanggang umaga, totoo

Kailan darating
Ulang tikatik sa piling ko
Hinihintay ka o giliw ko
Marubdob sa puso ko.

Saturday, June 14, 2014

Walang Hanggang Bukas

Hindi ko man masabi
Pagmamahal sa iyo
Aking nadarama
Pilit itinatago

Kapag kasama ka
Tanging sobrang ligaya
Sana paghihiwalay
Di na dumating tuwina

Ikaw ang pangarap
Sa gabing mapaghagilap
Ikaw ang ninanais
Sa walang hanggang bukas

Sa aking pagtalikod
Sa nakaraang masalimuot
Tanging ala ala mo
Binabalikan ko dito

Naghihintay ako
Maghihintay ako
Hihintayin kita
Magkasama muli tayo.

Wednesday, June 4, 2014

Ngiti

Isang matamis na ngiti
Nagpapaligaya sa aking mga labi
Bawat dampi ng halik mo
Langit nadarama ko

Sa pagsintang iniibig
Ikaw ang tanging marikit
Sa twinang magkapiling
Wala talagang kahambing

Sa pagdatal ng umaga
Tanging ikaw ang pampasaya
Pampasigla ng umaga
Bumubuo sa aking alaala


Tuesday, June 3, 2014

Kaligayahan

Masasabi kong
Ikaw ang lahat sa akin
Ikaw ang aking ninanais
Ikaw lamang ikaw lang

Sa isang pag-uusap
Boses mo'y nagpaligaya
Marinig sa iyo
May gusto ka at ako

Ako ang nanaghoy
Sa ilang buwang paghihintay
Paghihintay na wagas
Pagmamahal na walang kupas

Aking baon sa pag-uwi
Ngiti mong nakakapawi
Mga pagod sa maghapon
Tanging alaala ay iyon

Salamat pag-ibig
Salamat sa iyo
Ramdam ko ang pag-ibig mo
Sa aking pusong nanunuyo

Sa ating muling pagtatagpo
Hayaan mong madama mo
Bawat halik ng labi ko
Ikaw ang inaasam nito.

Pagtatapat

Magkaulayaw tayo
Isang maghapong masiphayo
Bulong ko'y pinakawalan
Mahal kita alam mo ba?

Sa aking pagsambit
Bibig napapigil
Tanging kapalit nito'y
Ngiting kay tamis sa puso

Sa bawat paglapit
Ng puso kong nanabik
Ikaw lang ang hinihintay
Sa susunod na pagkakaniig

Hindi ko man maamin
Ikaw ang mahalaga sa akin
Tanging isaisip mo
Ikaw lang, kasama ako.

Pagnanais sa iyo
Langit ay tutunghin ko
Upang walang hanggan
Magkasama pa rin tayo.

Yakap

Sa ilalim ng malamig
Na simoy ng hangin
Gabing tahimik
Gabing may pananabik

Kamay mo'y hawak ko
Kaligayahan aking natamo
Sa isang sulok ng puso ko
Hinihiyaw pangalan mo

Sa pagdating ng umaga
Nais araw-araw ikaw makita
Sa pagmulat nitong mata
Ikaw lagi hinahanap twina

Sa muling pagtakbo
Nitong oras walang hinto
Kailan kaya muli
Ikaw mayayakap nitong puso?

Muli

Isang paalala
Ang sa akin ay nagpaligaya
Mensahe mo'y nakita
Nanaig ang pag-aasam sinta

Tanging ako lamang
Tanging ikaw lamang
Kung mahawi man ang ulap
Ikaw ang unang nais mahanap

Sa ating pagtatagpo
Damdamin ay nagpuyo
Pusong namimighati
Nabuo sa muling pagtatagpo

Bawat paghakbang ng paglayo
Kalungkutan ang nabuo
Subalit panalangin ko
Sa dulo muling magtagpo.

Monday, February 17, 2014

Pagmamahal Sa Iyo

paano mo makikilala at mararamdaman ang pagmamamahal ko gayong ayaw mong damhin ito, kahit sa malayo?
kailangan bang ang taong mamahalin mo ay magbigay ng dahilan upang hindi ka subukang mahalin,lalo't ipiraramdam mo na minamahal mo siya?

Sunday, January 19, 2014

Naghihintay

Nagising siya sa katotohanang, mahirap magmahal.

Isang pagbabago sa kabanata ng kanyang buhay ang magmahal. Maramdamang ang pagmamahal na ito ang babago sa pagtibok ng kanyang puso.

Masarap ang unang araw na makasama ang minamahal. May mga araw na nais mong lagi siyang kasama sapagkat ninananais mong madama lagi ang kanyang paglalambing. Malambing siya, mabait.

"Sige na, ako na.Okey na.Maupo ka na lamang," mga matatamis na salitang kanyang binibitiwan. Mga salitang ginagamit niya sa tuwing sila'y magkasama.Hindi niya hinahayaang gumawa pa siya matapos lumabas sa trabaho.

"Pwede bang maging tayo?,"ang mahiwagang pangungusap na kanyang binitiwan na siyang gumising sa natutulog niyang puso.

Saan hahantong ang pag-ibig na ito?

Malimit niyang sinasabi, na masaya siya na naging bahagi siya ng kaniyang buhay. Ang sarap marinig sa iniibig. subalit, lumilipas ang mga araw, lingo at buwan, tila napapalitan ng pagdududa at pagseselos ang pakiramdam na iyon.

Selos na nagbubunga ng matinding pagdududa na nagdudulot nang pasakit sa puso ng taong nagmamahal. Bakit ganito ang kanyang pakiramdam?

Sa kabila ng mga ganoong pakiramdam, naroon at sa isang sulok ng marubdob na pag-ibig, nanatiling nagtitiis,dahil nagmamahal siya.

"May gagawin ka ba bukas?"aniya. "Wala ang kanyang isinagot." "Baka gusto mo akong i-date?""Sige."

Nagtakda ng oras ng pagkikita kinabukasan. Maaga siyang gumising sa panananbik sa muling pagkikita.Isang matamis na kabanata ang pagkikitang iyon, hindi makakalimutan.

Hindi niya kayang mangyaring ang isinugal na pagmamahal sa kanya ay bigla na lamang mawala. Handa niyang isuko ang lahat mapanindigan lamang ang desisyong magmahal hanggang wakas. Subalit, paanong magtatagal ang pag-ibig na sa simula pa lamang may paghadlang, may pagkatakot, ikinukubl.

Hanggang saan hahantong ang isinugal na pag-ibig ng taong sumisinta?Saan dadalhin ang kapalarang minsang binago ng isang pagnanais, ang magmahal at mahalin?

Hanggang saan?


Saturday, January 18, 2014

2014 RSPC at RFT

Abalang-abala ang mga puno at delegasyon para sa partisipasyon ng Dibisyon ng San Pablo sa 2014 Regional Schools Press Conference at Regional Festival of Talents, Jan. 26- Feb. 1.

Mauunang tumungo ang mga journalists para sa RSPC competition sa Jan 26, kung saan ito ang opening day ng presscon, na tatagal ng 3 araw, habang susundan ng RFT sa Jan 30-Feb. 1.

Dalawang intensive training ang isinagawa ng ating dibisyon upang matiyak ang kahandaan ng bawat participants sa nasabing kompetisyon kasama ang mga batikang manunulat at mamahayag mula sa ABS-CBN, kasabay ng dagdag na training na isinasagawa ng mga journalists sa kani-kanilang paaralan.

Mula sa disbisyon ng lunsod ng San Pablo, magiging puno ng delegasyon ang ating OIC-SDS, Gng. Susan DL. Oribiana, kasama sina Dr. Emelene Magtanong,EPS-I-English at Gng. Marilyn B. Capuno, EPS-I-Filipino, para sa RSPC at G. Ely Flores, EPS-I Social Studies, Gng. Evelyn Malabag, EPS-I, TLE at Dr. Consuelo Santos, EPS-I, Pre-Elem ng RFT delegation.

Kasama rin bilang executive committee ng ating ditrito, San Francisco, ang mga punungurong sina Gng. Jane G. Beron at G. Vivencio S. Panganiban.

Billeting quarters ng dibisyon ang Sampaloc Elementary School, Dasmarinas City, Cavite.

Ito ang paghahanda ng rehiyon sa darating na 2014 RSPC at RFT sa SBMA, Olongapo City, sa Abril.

Invitational Jamborette

Muli na namang magsasanib pwersa ang mga Scouts at Scouters sa isang invitational jamborette sa Makiling, Los Banos, Laguna, kasama ang mga councils mula sa CALABARZON, Maynila at Bicol regions sa Jan. 23-28.

Magiging abala at kapana-panabik ang pangyayaring ito sapagkat magiging panauhing pandangal ang hari ng bansang Sweden bilang tugon sa paanyaya ng bansa sa pagdalaw ng kamahalang hari ng Sweden (http://en.wikipedia.org/wiki/Carl_XVI_Gustaf_of_Sweden), sa pagbubukas ng jamborette sa unang araw.

Magiging maigting ang paghahanda upang ang lahat ay makapg-enjoy at masayahan sa mga inihandang activities ng mga regional staff, na kinabibilangan ng ilang training team ng lunsod ng San Pablo, kabilang ang dalawang training team ng San Francisco district na sina Sctr. Annabelle Aguila at sctr. Vivencio Panganiban




Anuman

Sa isang kubling lugar
Doon nalulumbay
Nagtatago't nangungulila
Pusong nag-iisa

Sa isang pangakong
Pilit na binabalikan
Isang salitang
Tanging Pinanghahawakan

Kaligayahan mo'y
akin nang dinarasal
Paglaya mo'y
Akin nang inaasam

Sa kubling gubat na iyon
Tanging isang ako
Tanging isang ikaw
Tanging Tayo,oo.