Ang aking malasakit sa iyong buhay ay parang apoy na nag-aalab sa puso ko. (Jn. 2:17)
Sunday, April 28, 2013
Pagmamalasakit
Saturday, April 27, 2013
Meet My Second Parents
Sabado, isang pangkaraniwang araw lamang ... na inakala ko, subalit hindi pala.
Sa halos ilang taon, wala akong masyadong balita sa kanila. Sa halos ilang mahahalagang araw, hindi ko sila nakakasalamuha. Hanggang sa bandang alas 9:00 ng umaga,may natanggap akong mensahe.
Ninang Eyang: "Vi'ven, (kung ako'y kanilang tawagin), ipinapakumusta ka ni Mommy Bhe (ang tawag namin sa kanyang mommy), text ni Ninang Eyang (ang palayaw na itinatawag ko sa bunsong anak ni Mommy Bhe)."
Ako: "Ah, ok naman po, dadating po ba sila?Pakisabi po kumusta?" ang reply ko.
Ninang Eyang: Nandito sila. Aalis na sila bukas. (April 26, Sabado. April 27 aalis na sila).
Ako: Ah ganun po ba? siya punta po ako dyan mamaya.Tapusin ko lamang po ang ginagawa ko.
Ninang Eyang: Oo, gusto ka niya makita.
Ako: Sige po, after lunch po nandyan na ako.
Natapos doon ang aming conversation.
Gabi na nang ako'y tumungo sa kanila sapagkat bumili pa ako ng konting maipasalubong kay Mommy Bhe.
Sino nga ba sila sa aking buhay?
Mahalagang bahagi sila ng aking nakaraan.
Si Mommy Bhe at ako (4-27-13)
Nag-aaral ako sa isang pribadong kolehiyo sa lunsod ng San Pablo nang makilala ko si Gng. Maria Divina Espino Constantino (si Mommy Bhe). Siya ang guro ko sa mga ilang mahahalagang subjects sa Education at guro rin sa pampublikong paaralan sa nasabing lunsod. Ipinakilala ako sa kanya ng aking kaibigang si Folrie May Castillo (Mami May ang tawag namin sa kanya. May edad na siya nang magpasyang magtuloy ng pag-aaral sa pagiging guro). Hanggang sa nagkapalagayan kami ng loob ni Mommy Bhe. Bawat problema naikukuwento ko sa kanya. Dumating ang sandali na magpapasya na akong tumigil sa pag-aaral.Dahil mahal ang tuition sa kolehiyong aking pinapasukan, nagkaroon kami ng problemang pinansiyal.Subalit, sinagip ako ni Mommy Bhe at ng kanyang pamilya.
Shift Manager noong mga panahong iyon ang kanyang panganay na anak, si Sir Jobert sa isang fast food chain, ang Jollibee. Sinabi niya na tutulungan nya akong maipasok sa Jollibee at magpapatulong sa kanyang anak upang hindi ako mapatigil, at iyon nga ang nangyari. Hindi lamang iyon, sa kanila na rin niya ako pinatuloy kasi malayo ang aming tahanan, kailangang maaga lagi ang aking pasok, at itinuring na bunsong anak sa labas,hehehe.
Nakaanim na buwan na ang nakalilipas. Sa mga panahong iyon, natustusan ko ang aking pag-aaral. Trabaho sa umaga, pasok sa gabi. Mahirap pero kinaya ko, sa tulong ng aking gumabay na pangalawang mga magulang sina Mommy Bhe at Lolo Bhong (ang kanyang butihing asawa) at mga itinuring na kapatid.
Kami ni Lolo Bhong (4-27-13)
Tapos na ang anim na buwan, namomoroblema na naman ako kasi wala na akong maipapang-tuition. To the rescue ulit si Mommy Bhe.
"Ipapasok kita bilang student assistant (S.A.) sa Laguna College," wika ni Mommy Bhe. "Magpapatulong tayo kung paano papasok doon," sambit nya. Bago pa man ako matapos sa Jollibee, nakapaskil na ang aking pangalan sa bulletin board ng L.C at hinahanap na ako para sa interview. Sa madaling salita natanggap ulit ako. Tuloy ang pag-aaral. Naging S. A. ako sa L.C. accounting department mula second year college hanggang sa matapos ko ang aking pag-aaral. Iyon ay sa tulong nina Mommy Bhe, habang sa kanila na rin ako tumitira.
Nakatapos ako ng pag-aaral, nagturo sa pribadong eskwelahan at nasa poder pa rin nila ako. Hanggang magdesisyon ang mag-asawa na ipagpatuloy ang planong pumunta ng ibang bansa upang makasama ni Mommy Bhe ang kaisa-isa niyang kapatid, at natupad iyon.
Ilang taon ang lumipas, umuuwi sila at nagkikita kami. Hanggang sa itong pinakahuli, nawalan kami ng komunikasyon sa cellphone,mabuti na lang at naisipan ni Ninang Eyang na itanong kay Mam Juliet (kaibigan kong guro na kamag-anak nila) ang bago kong cellphone numbers, at itinext niya ako kahapon.
Mahalagang yugto ng pangyayari sa aking buhay ang makilala si Mommy Bhe, ang kanyang pamilya dahil sa kanila, natupad ang aking pangarap na maging isang guro.
Mga etiketa:
lolo Bhong,
Mami May,
Mommy Bhe,
natupad na pangarap,
Ninang Eyang,
pamilya
Saturday, April 20, 2013
Hinihintay Kita
Bilang ng mga araw
Ikaw ang nais na matanaw
Ikaw ang nais masilayan
Sa umaganag sisisilay sa akin
Kay hirap isipin naman
Pagsinta mo'y nasa imposibleng daan pa
Subalit paano tayo magtatagpo
Ikaw at ako, tunay na magkalayo
Ipinagdarasal ko
Mula sa araw na ito
Kahit isang saglit,kahit sandali
Mayakap at mahagkan kang muli
Hinihintay ko
Muling pagbabalik mo
At sa araw na iyon
Madadarama mo ako mismo sa iyo.
Thursday, April 18, 2013
3-Day Seminar Workshop on Campus Journalism's Photos
Puno ng mga participants...mga datihan na at baguhang school paper advisers (SPA), unang araw ng 3-day seminar workshop on campus journalism sa San Antonio II E/S.
April 15, marami ang dumating nang maaga subalit dahilan sa karamihan talaga ay baguhan sa lugar halos makaabot na sila sa arko ng Villa Escudero sa Tiaong,Quezon,ibig sabihin nakalampas na sila sa venue, kaya't yung iba mas piniling lakarin pabalik para hindi na makalampas pa.
Panoorin natin ang opening ceremonies' photos. Please follow the link.
Matapos ang opening, nagdiretso agad sa first speakers na sina Mam Edith Fule at Mam Linda De Leon. Sumunod na ring naging speakers sina Mr. Leo Abril , Radio broadcaster ng local radio station ng San Pablo City bago naging City Information Officer, Mr. Nani Cortez, President ng 7 Lakes Press Corps, Mam Lorna Ruba, Mam Lorna Cataag, Mam Rhea Dacara, Mam Antonia Tadoy, Mam May Lyn Mojica, Mr. Sonny Cabael, Mam Rosete Eseo, Mr. Matrin de Lima, Mam Thess San Gabriel,Sir Romel Ladisalo, si Sir Patrick Ilagan, Mam Michelle Banca, Ate She Asprec ng Herald Publishing, Mr. Dennis Lacsam at yours truly, Mr. Vivencio Panganiban.
Narito ang mga larawan, pakisundan ng link.
Kinumpleto ng mga speakers ang mga kategroyang Pagsulat ng Balita, Pagsulat ng Editoryal, Pagguhit ng Editoryal Cartoon, Lay Outing, Photojourn, Copy Reading, Radio Broadcasting, Pagsulat ng Lathalain, at Pagsulat ng Balitang Sports sa parehong medium, English at Filipino sa loob ng tatlong araw na inilaan sa kanila.
Libre ang snacks at lunch ng mga participants sa loob ng tatlong araw na iyon. kaya't kahit panu masaya sila mula ito sa Division Inset Fund.
Mainit man, pasalamat pa rin kami sa mga naging bisita na mga school heads, district supervisors, at syempre nandun din ang ating OIC-SDS Mrs. Susan Oribiana, maraming salamat po.
Narito po ang mga larawan paki-click ng link sa ibaba.
Masaya rin namang tinapos ang naturang seminar workshop, gayundin nagkaroon ng pagpili ng mga mahuhusay na output sa loob ng tatlong araw na iyon. Congratulations sa mga nagwagi. Hanggang sa muling pagkikita natin sa Division Schools Press Conference 2013.
Mga larawan ng nagwagi at closing ceremonies.Paki follow ng link.
Syempre, maraming salamat sa mga taong nasa likod ng seminar-workshop na ito, ang aming mga supervisors, mga kapwa ko officers, thank you po sa inyo.
Monday, April 15, 2013
Thursday, April 11, 2013
Salamat, naalala mo Ako
Nai-kwento lang sa kin.
Nasa biyahe ako, isang umaga upang dumalo sa isang pagpupulong. Kausap
ko ang isang kakilala sa loob ng sasakyan. Maingay ang dyip, kaya’t anuman ang
tunog, kailangan malakas ito upang marinig mo talaga. Nasa bulsa ng aking pantalon
ang aking cellphone. May paminsan-minsang nagtetext, naririnig ko, kaya’t
nababasa ko. Hanggang sa hindi ko sinasadyang kuhanin ang cellphone sa aking
bulsa sa anong kadahalinan, hindi ko alam.
May tumatawag pala, at sa hindi ko sinasadya, napindot ko na pala ang
answered kaya’t ilang Segundo na siyang naghihintay, subalit hindi ko pa
nakakausap. Subalit hinintay nya ako. Hanggang sa napatingin ako, “Mam, saglit
may tumatawag pala,” paalam ko sa aking kausap.
“Kumusta sir?” wika niya. Pasensya na at hindi kita narereplayan. May mga
text message ka pala sa akin. Dun napupunta sa spam. Inayos ko kasi cellphone
ko. Ayan ok na ulit, ayon sa kanya. Sabi ko naman “oo, holy week at itong mga
nagdaang araw tinetext kita. Kaya lang hindi ka nagrereply, kaya inakala ko
abala ka.” Hindi sir. Talaga lang hindi ko nakikita mga text mo. Pasensya. Sabi
ko “ok lang.”
Palibhasa dadalo ako ng pagpupulong, ibinaba ko na ang cellphone, may
pupuntahan din naman siya. Hanggang sa nagpaalam siya sa akin.
Sabi ko, “maari ba akong pumunta sa inyo?” Sa next week na lang daw
kami magkita. Iyon ang huling sinabi niya sa akin. Mamimiss ko man siya,
kailangan kong maghintay sa kanyang pagdating.
Pero patuloy pa naman ang aming komunikasyon, kasi may cellphone pa
naman, may text pa naman.
Eleksyon 2013
2013… ang taon ng pangangampanya ng mga pulitiko. Panahon ng eleksyon. Panahon ng kampanya, para sa lokal at nasyonal, mula konsehal ng bayan hanggang sa senador.
Bakit nga ba ang posisyon sa gobyerno, maging konsehal man ng bayan o
hanggang sa pagiging senador, pinagkakaabalahan, pinag-aagawan at kung minsan,
tanggapin natin talagang hanggang sa patayan nangyayari. Parang pelikula lang
pero totoo. Bakit nga ba?
Ito nga ang kwento. Sa pagiging pulitiko, sa oras na umupo ka, bakit ba
ang dating maliit na bahay lang ng isang umupong pulitiko, kapag napaupo na sa
kahit konsehal, mayor man o sa senado, teka lumalaki na at nagiging
mala-palasyo. Dati, sabi nga ng isang radio commentator, dati, ang
bahay,mahilamusan man ng isang puting pintura ayos na. Ngayon, aba halos kada
taon iba-iba ang kulay ng pintura ng bahay. Kung dati napuputulan ng kuryente,
heto ngayon, may internet na sa bahay, “wifi” pa! Ang mga bagong gadget
nabibili na, ipod, iphone, tablet, laptop at netbook, pati flatscreen tv
mayroon. Hindi maiiwan ang pagkakaroon pa ng bagong kotse, name the latest model
at iyon ang gamit. Kung minsan nga eh mga nahaharang pa sa custom kasi
mamahalin talagang sasakyan. Ang mga anak, hindi na sa isang pangkaraniwang
pribadong paaralan lamang pumapasok, sa isang eksklusibong eskwelahan pa. Sabi nga ni Tito Boy "eksplosibong!eksklusibo!"Kung
minsan, sa ibang bansa pa mag-aaral, para sosyal ang dating.
May mga kandidatong nag-aral sa ibang bansa, naging kilala sa
larangang kanilang pinili subalit, biglang makikita mo nakasabit ang tarpaulin
dahil kandidato na. Ano pa ang gusto ng mga ito? Ang pasukin ang magulong buhay
ng pulitika o ano pa nga ba?
Ganan sila, subalit hindi naman lahat.
Subalit mas natatakluban ng mga traditional politicians ang mga
kakakaunting kandidatong pagsisilbi talaga sa bayan ang hangad. Makikilala mo
kung sino sila. Sila iyong mula pagkandidato, pagdating sa kanilang statement
of assets and liabilities, sila ang may pinakakakaunting yaman at halos hindi
nadagdagan ang yaman. Sila iyong tunay na lumalaban sa karapatan ng mga api, sabi nga nila. Subalit ilan nga lang ba sila?
Nakalulungkot, subalit kailan kaya magiging makatotohanan ang slogan ni
P-Noy, “Tayo na sa tuwid na landas.”
Monday, April 8, 2013
Sa Kabilang Dulo ng Daigdig
-naikwento lang sa akin...
Bakit ba kung magmamahal man tayo, hindi natin makuha ang nais nating matanto sa isang tao? Nasambit sa akin ng isang kaibigan, "handa mong isama sa habambuhay ang isang tao kung tanggap mo ang lahat-lahat sa kanya."
Tama nga naman. Bakit ba tayo magmamahal ng panlabas lamang ang nais natin sa kanya?Kinakailangan ba maganda siya? Kinakailangan ba maputi, kaakit-akit? Kinakailangan ba tanggap siya ng lahat ng iyong kakilala lalo't higit ng iyong mga kaibigan at mga magulang? Ano ba ang hinahanap natin? O sino ba ang hinahanap natin? Ang taong kakasamahin ng ating mga kaibigan o ating mga magulang? Hindi ba't taong nais mong ikaw mismo ang makikisama habang buhay?
Ang tanging tanong lamang naman, mahal n'yo ba ang isa't isa? Tanggap nyo ba ang isa't isa? Tanggap n'yo ba ang kahinaan at kapulaan ng isa't isa? Kung oo ang sagot sa lahat ng ito, siya na ang taong nais mong makasama sa habambuhay.
Subalit, paanong kung ang taong nais mong makasama ay ang taong nasa magkabilang dulo pa pala ng daigdig ang agwat? Ang taong nais mong makasama ay kinakailangan pang tumawid ng isang milya upang magkatagpo ang inyong landas? Maari bang sa internet na lamang ang lahat? Maari bang magkatagpo na lang sa isang online para maka chat mo at magkaroon ng pagkakataong sabihin ang nais sa isa't isa?
Mahirap. pero iisa lamang ang sigurado, maswerte pa rin tayo, nakakaramdam pa rin tayo ng pagmamahal. Malayo man, ang mahalaga may pinagtutuunan ka ng pagmamahal. Ngayon, kung sa kasalukuyan ito'y may pag-aalinlangan at may hadlang, darating ang panahon, mundo nati'y magtatagpo sa gitna upang maipadama nang husto ang pagmamahal sa isa't isa.
Kahapon at Pangarap
Kahapon naging masaya ang buhay ko
Sa isang pangakong aking pinangarap
Sa isang kahapong pangako sa isa't isa
Hindi ko man ninais ito'y kusang dumating.
Sa isang masalimuot na mundong ginagalawan
Ang mga pagbabago'y,dapat ng tanggapin
Isang umaga nagising na lang ako
Sa katotohanang biglang pangarap ay tapos na.
Pilit kang kumawala ako'y naiwang lumuluha
Subalit kahit paano pasalamat, nakilala kita
Ninais ko ang ibalik matamis na nakaraan
Tila isang pangarap na lamang talaga.
Nais kong pigilan ka, sa aking mga bisig
Nais kong parating makasama ka
Subalit magkalayong mundo nati'y
Sadyang mailap sa isa't isa.
Saturday, April 6, 2013
Balesin Island
Balesin is a mere 25-minute plane ride from Manila. It is located east of Mauban, Quezon beside the Polillo Islands and nestles at the gate of Lamon Bay, one of the richest, undisturbed fishing grounds in the Pacific. A true island paradise.
Balesin Island, which is currently owned by Balesin Corporation, is a 424 hectare island resort located in Lamon Bay , Pollilio, Quezon Province, Philippines ; 25 miles of the eastern coast of Luzon , and 95 air miles, (approximately 30 minutes flight time) from The Ninoy Aquino International Airport in Metro Manila.
Balesin has a 424 hectare total land area. It is approximately 5 kilometers long and 1.5 kilometers at its widest point. The island is generally flat except for some elevated areas, (cliffs) which reach up to 6 meters above sea level. There is abundant vegetation consisting of rain forests, coconut trees, wild shrubs and flowers. White sand beaches, accentuated by coves formed by coral rock formations, surround Balesin Island .
The island experiences sunny weather throughout most months, typical for a tropical climate. Mild southwesterly winds prevail from March to August while northeasterly winds occur from September to February. The short rainy season starts in September and ends in December, with heaviest rainfall occurring between October and November. The island is an ideal location for beach resort and outdoor leisure activities.
Except for rare occasions when the islands west coast is disturbed by light northeast winds, the sea is generally calm and ideal for water activities and passage of all types of sea craft.
Balesin offers a carefully planned setting designed to accomodate your every whim – be it a round of golf, a game of tennis, deep-sea adventure or plain total relaxation.
Take a dip in one of Balesin’s private coves. Or stroll along its white sand beaches strewn with a variety of shells. Dive in its clear ocean waters and marvel at the abundance of colorful tropical fish and other marine life. Have your fill of breathtaking seascapes, resplendent sunsets and star-studded skies.
Breathe in the crisp, clean air of Balesin. Hear it in the swaying of the palms while you sip on pure, fresh coconut water. Be enchanted by rare species of tropical birds and butterflies. And in the evenings, let the fireflies light your way. Balesin will place you under its spell.
Balesin’s most alluring spot is probably the spectacular Tordesillas Point: a wide, white beach strip that extends gracefully southward into a narrow neck that is “hyphened†to a farther land mass by a permanent sandbar. At low-tide, the long flat sandbar appears like a rolling plain that connects the main isle to its insular neighbor-isle. But at high tide, the sandbar is covered over by the great Pacific Ocean-completely separating the far isle from the main, as if were an independent island. Meanwhile, the Pacific churns the surf more wildly on the southeastern side.
A spec in the Pacific Ocean some five kilometers long and 424 hectares wide, Balesin harbors a 1500-meter long grass landing strip. A short footpath shaded by thick foliage leads to several cottages, 20 rooms in all, widely berthed by lawns of manicured Bermuda grass. A six-hole golf course beside the sea, two shell tennis courts, a swimming pool, a ping-pong hall, volleyball area, recreational fishing facilities as well as clubhouse are among its amenities.
But what attracts visitors to Balesin is what it lacks. No noisy rabble to trample the pristine beaches. No sleazy riffraff or tacky karaoke bars to ruin the starlit night.
The Balesin Corporation owns the entire island. Available only as a tour package, PhP11,000 affords you a three-day, two-night stay, round trip airfare, complete meals and use of all facilities. The runway can only accommodate light planes that seat six to 40 passengers. It is best to go to Balesin as a group of at least six.
Dalampasigan
Maaga akong nagising sa araw na ito kahit na walang pasok kasi araw ng Sabado. Dapat hindi pa ako gigising pero, ako na mismo ang pumutol ng aking pagtulog. Naalimpungatan ako sa aking masamang panaginip. Hanggang sa tinext ko muna ang aking kapwa guro upang itanong kung pupunta sila sa paaralan ngayong araw. May tinatapos kasi sa kanyang silid-aralan.
Madali siyang nagreply. Kasi nagising ko rin siya, natutulog pa pala siya; narinig lamang niya na may text message sa kanya. Pupunta raw sila. Sinabi ko na pakihintay ako kasi may gagawin ako sa iskul. Bakit daw ang aga ng gising ko, sabi ko may napanaginipan ako. Pinutol ko kasi hindi kagandahan.
Sabi ko, matutulog ulit ako kasi baka ibang yugto naman ang aking mapanaginipan. Presto! Makalipas ang ilang minuto, napaidlip na naman ako. Wow! ang saya. Magandang yugto naman ang aking napanaginipan.
Isang magandang lugar, malamig ang simoy ng hangin. Banayad ang alon ng tubig. Naliligo ako, kasama ang aking taong pinapangarap sa buhay. Hindi ko akalain magtatagpo ang aming landas sa panaginip. Hinahabol ko siya sa dalampasigan. Hanggang sa inabutan ko siya. Namamahinga kami nang bigla niyan akong kagyat na dinapuan ng halik sa aking mga labi. Ako ang nabigla sa kanyang ginawa, subalit mabilis na mabilis lamang ang pangyayari. Ah.!Aray! ang sakit ng sikat ng araw. Bigla akong nagising.
Mataas na pala ang sikat ng araw. Mainit na. Ang sikat na tumatama sa salamin ng aking kwarto ay masyado nang nakakasakit, kaya't napilitan na rin akong bumangon. Alas 9:30 na pala ng umaga.
Kagyat akong nag-umagahan, naligo at sinimulang magtungo na sa paaralan.
Thursday, April 4, 2013
Dahil sa Isang Ikaw
Sa ating pag-iisa mas naiisip natin ano ang mas mabuti nating gawin sa mga bagay at pangyayaring nais nating mangyari na hindi natutupad. Sa halip na magmukmok at sisihin ang sarili sa pagkabigo, mas nararapat na umisip ng mas mabuting bagay na nangyari kaysa ang isipin na maghanap pa sa dapat ito ang nangyari.
Malamang dahil sa labis kong pag-iisip sa iyo kagabi, sobrang umaga na ako nakatulog, kaya't inaasahan na tanghali ako nagising. Subalit hindi ko inaasahan na sa aking pagtulog, mapanaginipan ka. Talagang tinapos ko ang aking panaginip. Kumbaga mula simula hanggang wakas. Napanaginipan ko na kasama kita. Kaulayaw kita. Kayakap kita. Katabi kita. Hanggang sa sumilay ang bukang liwayway. Isang umagang kay ganda para sa ating dalawa. Parang totoo lahat ng pangyayari. Isang panaginip na nagdala sa akin at sa atin sa iisang daigdig, sa iisang panahon at sa malayang oras na tayo'y magkapiling.
Ninais ko na sana maulit ang mga bagay na nangyari sa atin minsang tayo'y nagkasama. Subalit ang lahat ng ito ay maaring maging imposible na. Ang minsang pangyayaring iyon ay panghabambuhay ko nang dadalhin. At iisiping ang ligayang ating nakamit sa mga ors na iyon ay mananatiling bahagi ng aking nakaraan, ng ating kahapon.
Kung aking lilimiin, ang isang magandang bagay ay ating matatanto sa ating pag-iisa. Dahil sa ang lahat ng bagay ay may dahilan kung bakit hindi nakakamit, dapat lamang nating unawain. Kailangan lamang nating makuntento.
Ako, ninanais ko mang ikaw ay makapiling na muli, nauunawaan ko ang iyong kalagayan, nauunawaan kita. Mahalaga hindi ka nakakalimot. Mahalaga, naaalala mo pa rin ako. Tama na sa akin iyon. Masaya na ako roon. Kahit na ang mga plano mo'y hindi matupad para sa ating dalawa, malamang may iba pang pagkakataon at iyon ay aking hihintayin hanggang sa ang bukas mo'y magliwanag muli. Hanggang sa ang pasanin mo'y gumaan at hanggang ang mundo mo at mundo ko ay muling magtagpo at muling magkapiling sa isang tahimik na gabi. Sa isang malamig na gabi. sa isang maligayang gabi. Hanggang sa muling pagkukurus ng ating landas. Maghihintay ako.
Mga etiketa:
Pag-Ibig,
pag-iisa,
pag-unawa,
paghihintay
Wednesday, April 3, 2013
Sana Nandito Ka
Hindi ako makatulog. Naiisip kita. Hindi ka mawala sa aking isipan. Hindi ko gusto ang ganitong pakiramdam. Kung may magagawa lamang ako. Kung may maiisip lang sana akong mas maganda upang maiwaglit ka sa aking isipan, gagawin ko upang ang pananabik sa iyo ay hindi ko maramdaman.
Maaga kong naramdaman ang antok ngayong gabi. Alas sais pa lamang ramdam ko na ang antok. Maaga na rin akong naghapunan upang nang sa ganun makatulog na ako nang maaga. Subalit, saglit na napadaan ka sa aking isipan, nawala ang antok ko simula kanina.
Pinilit kong ipikit ang aking mga mata. Subalit, pilit na naglalaro ka sa aking isipan.
Nahihirapan ako, bakit?Walang leybel ang aking pagkakakakilala. Ni hindi ko alam, kaibigan mo ba ako? Bestfriend mo ba ako? o mag-ano ba tayo? Ang hirap kasi, nasanay akong kausap ka. Nasanay akong nandyan ka. Tapos bigla kang nawala. Bigla kang nanlamig. Biglang ang dati mong mainit na pakikipag-usap sa akin ngayo'y tila naghihintay na lamang ako sa pag-ulan sa ilang sa gitna ng tag-araw o sa gitna ng disyerto. Naghihintay ako ng isang araw maibalik natin muli ang init ng ating pagkalinga sa isa't isa.
Gumagawa naman ako ng paraan. Ayoko ng ganito, yung tipong naghahanap, iyong tipong naghihintay. Mali man sa palagay ko, pero paano ?
Hanggang ngayon, ako'y umaasa sa iyong pagbabalik. Sana lang muling magbalik ang dati mong pakikitungo sa akin, ang magbalik lang iyon, kasiyahan ko na. Araw-araw akong umaasa, araw-araw akong naghihintay. Gabi man ginagawa kong araw upang baka sakali nandun ka, nandito ka, o matagpuan kita...sana.
Subscribe to:
Posts (Atom)