Maaga akong nagising sa araw na ito kahit na walang pasok kasi araw ng Sabado. Dapat hindi pa ako gigising pero, ako na mismo ang pumutol ng aking pagtulog. Naalimpungatan ako sa aking masamang panaginip. Hanggang sa tinext ko muna ang aking kapwa guro upang itanong kung pupunta sila sa paaralan ngayong araw. May tinatapos kasi sa kanyang silid-aralan.
Madali siyang nagreply. Kasi nagising ko rin siya, natutulog pa pala siya; narinig lamang niya na may text message sa kanya. Pupunta raw sila. Sinabi ko na pakihintay ako kasi may gagawin ako sa iskul. Bakit daw ang aga ng gising ko, sabi ko may napanaginipan ako. Pinutol ko kasi hindi kagandahan.
Sabi ko, matutulog ulit ako kasi baka ibang yugto naman ang aking mapanaginipan. Presto! Makalipas ang ilang minuto, napaidlip na naman ako. Wow! ang saya. Magandang yugto naman ang aking napanaginipan.
Isang magandang lugar, malamig ang simoy ng hangin. Banayad ang alon ng tubig. Naliligo ako, kasama ang aking taong pinapangarap sa buhay. Hindi ko akalain magtatagpo ang aming landas sa panaginip. Hinahabol ko siya sa dalampasigan. Hanggang sa inabutan ko siya. Namamahinga kami nang bigla niyan akong kagyat na dinapuan ng halik sa aking mga labi. Ako ang nabigla sa kanyang ginawa, subalit mabilis na mabilis lamang ang pangyayari. Ah.!Aray! ang sakit ng sikat ng araw. Bigla akong nagising.
Mataas na pala ang sikat ng araw. Mainit na. Ang sikat na tumatama sa salamin ng aking kwarto ay masyado nang nakakasakit, kaya't napilitan na rin akong bumangon. Alas 9:30 na pala ng umaga.
Kagyat akong nag-umagahan, naligo at sinimulang magtungo na sa paaralan.
No comments:
Post a Comment