2013… ang taon ng pangangampanya ng mga pulitiko. Panahon ng eleksyon. Panahon ng kampanya, para sa lokal at nasyonal, mula konsehal ng bayan hanggang sa senador.
Bakit nga ba ang posisyon sa gobyerno, maging konsehal man ng bayan o
hanggang sa pagiging senador, pinagkakaabalahan, pinag-aagawan at kung minsan,
tanggapin natin talagang hanggang sa patayan nangyayari. Parang pelikula lang
pero totoo. Bakit nga ba?
Ito nga ang kwento. Sa pagiging pulitiko, sa oras na umupo ka, bakit ba
ang dating maliit na bahay lang ng isang umupong pulitiko, kapag napaupo na sa
kahit konsehal, mayor man o sa senado, teka lumalaki na at nagiging
mala-palasyo. Dati, sabi nga ng isang radio commentator, dati, ang
bahay,mahilamusan man ng isang puting pintura ayos na. Ngayon, aba halos kada
taon iba-iba ang kulay ng pintura ng bahay. Kung dati napuputulan ng kuryente,
heto ngayon, may internet na sa bahay, “wifi” pa! Ang mga bagong gadget
nabibili na, ipod, iphone, tablet, laptop at netbook, pati flatscreen tv
mayroon. Hindi maiiwan ang pagkakaroon pa ng bagong kotse, name the latest model
at iyon ang gamit. Kung minsan nga eh mga nahaharang pa sa custom kasi
mamahalin talagang sasakyan. Ang mga anak, hindi na sa isang pangkaraniwang
pribadong paaralan lamang pumapasok, sa isang eksklusibong eskwelahan pa. Sabi nga ni Tito Boy "eksplosibong!eksklusibo!"Kung
minsan, sa ibang bansa pa mag-aaral, para sosyal ang dating.
May mga kandidatong nag-aral sa ibang bansa, naging kilala sa
larangang kanilang pinili subalit, biglang makikita mo nakasabit ang tarpaulin
dahil kandidato na. Ano pa ang gusto ng mga ito? Ang pasukin ang magulong buhay
ng pulitika o ano pa nga ba?
Ganan sila, subalit hindi naman lahat.
Subalit mas natatakluban ng mga traditional politicians ang mga
kakakaunting kandidatong pagsisilbi talaga sa bayan ang hangad. Makikilala mo
kung sino sila. Sila iyong mula pagkandidato, pagdating sa kanilang statement
of assets and liabilities, sila ang may pinakakakaunting yaman at halos hindi
nadagdagan ang yaman. Sila iyong tunay na lumalaban sa karapatan ng mga api, sabi nga nila. Subalit ilan nga lang ba sila?
Nakalulungkot, subalit kailan kaya magiging makatotohanan ang slogan ni
P-Noy, “Tayo na sa tuwid na landas.”
No comments:
Post a Comment