-naikwento lang sa akin...
Bakit ba kung magmamahal man tayo, hindi natin makuha ang nais nating matanto sa isang tao? Nasambit sa akin ng isang kaibigan, "handa mong isama sa habambuhay ang isang tao kung tanggap mo ang lahat-lahat sa kanya."
Tama nga naman. Bakit ba tayo magmamahal ng panlabas lamang ang nais natin sa kanya?Kinakailangan ba maganda siya? Kinakailangan ba maputi, kaakit-akit? Kinakailangan ba tanggap siya ng lahat ng iyong kakilala lalo't higit ng iyong mga kaibigan at mga magulang? Ano ba ang hinahanap natin? O sino ba ang hinahanap natin? Ang taong kakasamahin ng ating mga kaibigan o ating mga magulang? Hindi ba't taong nais mong ikaw mismo ang makikisama habang buhay?
Ang tanging tanong lamang naman, mahal n'yo ba ang isa't isa? Tanggap nyo ba ang isa't isa? Tanggap n'yo ba ang kahinaan at kapulaan ng isa't isa? Kung oo ang sagot sa lahat ng ito, siya na ang taong nais mong makasama sa habambuhay.
Subalit, paanong kung ang taong nais mong makasama ay ang taong nasa magkabilang dulo pa pala ng daigdig ang agwat? Ang taong nais mong makasama ay kinakailangan pang tumawid ng isang milya upang magkatagpo ang inyong landas? Maari bang sa internet na lamang ang lahat? Maari bang magkatagpo na lang sa isang online para maka chat mo at magkaroon ng pagkakataong sabihin ang nais sa isa't isa?
Mahirap. pero iisa lamang ang sigurado, maswerte pa rin tayo, nakakaramdam pa rin tayo ng pagmamahal. Malayo man, ang mahalaga may pinagtutuunan ka ng pagmamahal. Ngayon, kung sa kasalukuyan ito'y may pag-aalinlangan at may hadlang, darating ang panahon, mundo nati'y magtatagpo sa gitna upang maipadama nang husto ang pagmamahal sa isa't isa.
No comments:
Post a Comment