Saturday, March 30, 2013

Sa Habang Panahon


Happy Easter Sunday sa lahat.

Tapos na ang mahal na araw. Tapos na ang mga pagtitika ng mga Katoliko. Wala ng bawal? Isang pasasalamat ang dapat nating ipahatid sa ating Panginoong Hesus sa kanyang pagpapakumbaba, pagpapakasakit at pag-aalay ng sariling buhay para sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan ng sanlibutan. Ang kanyang mga pasakit at mga naging pagdurusa para sa ating lahat ay isang magandang halimbawa na anuman ang mangyari, anuman ang maranasan, wala ng mas hihigit pa sa pasakit na naranasan ng mahal na Panginoon. 

Marapat lamang na tayo ay magpasalamat sa kanyang handog na buhay sa atin Marapat lamang nating isaisip at isapuso na anuman ang kasalanang nagawa ng ating kapwa sa atin ang pagpapatawad ay dapat laging may  presensya. Walang kasalanang hindi napapatawad. Walang kasalanang hindi pinatawad ng Lumikha. Kaya't sino tayo upang hindi marunong magpatawad at lumimot sa kasalanang nagawa ng ating kapwa laban sa atin. Hindi tayo magiging masaya kung nandun ang bigat ng damdamin sapagkat hindi natin mapatawad ang ating kapwa. Masarap mamuhay ng may pag-ibig sa ating puso.


Marahil ang bawal sa ating mga Katoliko ay tapos  na sa araw na ito. Subalit sa patuloy na daloy ng ating buhay, dapat nating isaisip ang sampung utos sa atin upang ang mga ipinagbabawal ay patuloy nating maisabuhay. Mahirap man kung minsan, at hindi natin naiiwasang gumawa ng pagtalima sa kanyang mga utos, ang mahalaga marunong tayong magsisisi at humingi ng tawad sa anumang kasalanang ating nagawa.

Ang pag-alala sa kanyang pasakit para sa ikatutubos ng ating kasalanan ay isang mahalagang katangian na bilang isang Kristyano ay maisip natin, anuman ang ating pinagdaanan, pagdadaanan, isipin nating nandyan lagi si Hesus sa habang panahon.

Friday, March 29, 2013

You Changed My Life


I must not feel this kind of emotions for I have no right because we are not in a relationship. It’s just that, I already missing you for many times until then, we never talked, we never chat, we never exchanged conversations. I missed your presence. I really missed you and I mean it.

I know, I made mistakes for making myself feel at ease every time we’re on a conversation. I felt happiness each time we’re on line and exchanging thoughts and every things goes well until we parted each other and said goodbyes for the two of us. Waiting for another tomorrow, because we knew, you and I will be exchanging thoughts again, and those memories kept rushing on me. Those times that what we used to do keeps me looking and keeps myself asking, why you have changed?

I still remember, last year, during lent, we used to talk and chat each other, but the holy week is almost over, even once, we never did. What happened? I knew it was my fault.

Everything changed. Every one changed. For a while, I stop and reflect. I asked myself… should I continue waiting  for you to find time with me again and make those memories be repeated, or is it time to  forget you and think that what beautiful things happened between the two of us will be just part of our past?

I know the answer, but the hardest thing to do is to accept. How I wish I could easily accept that. Accept the things that will be impossible to happen, impossible to make it happen and impossible to make it through again.

I hope tomorrow, I could accept the fact that nothings remain the same; it’s just change that always happened. May be acceptance is the best thing that I should remember.

I just want to say, this time, “you’ve changed my life,” not just a moment but for a lifetime since the day we met and had a very wonderful experiences with both of us. I know you knew it.


Pagbisita



Sa loob ng mahigit tatlong dekada ng aking pananatili sa mundong ibabaw na ipinagkaloob ng ating mahal na Panginoon, tanging ngayong taon lamang ako naging bahagi ng kanyang sakripisyo, ang mag “stations of the cross.”

Bilang isang sagrado Katoliko, bahagi na ng isang mamamanata ang mag-bisita Iglesia, bago sumapit ang Biyernes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay.

Lunes, napagkasunduan ng aming pamilya na magsimba sa Quiapo. Marso 25 iyon. Sabik ang aking Ina na sumimba sa Quiapo Church sapagkat malimit itong feature sa telebisyon tuwing fiesta ng Black Nazarene, nais ng aking ina na maranasan ang makahalik man lang o makabisita sa kanyang dambana.

Tamang tama, Mahal na Araw. Unang destinasyon namin ang Quiapo Church. Ramdam ko ang tuwa sa puso ng aking ina nang makatuntong sa simbahan ng Quiapo. Dinaanan rin namin ang Sta. Cruz Church. Tanghali na, kaya’t dumiretso kami sa Baclaran Church. Tanghalian nang kami ay dumating roon. Matapos ang pagsimba, kami ay dito na nananghalian, may baon kaming mga pagkain nang araw na iyon. Sana ay titigil pa kami upang mamili sila ng mga murang bilihin, subalit hindi umayon ang panahon. Umulan. Sa halip, dumiretso na kami sa Intramuros upang puntahan ang Manila Cathedral, subalit ito ay under renovation kaya’t sarado. Huling tinungo namin ang San Agustin Church.

Matapo ang aming pag- stations of the cross, nagdiretso na kami sa Luneta Park upang ipasyal ang aming mga pamangkin na noon lamang nakapunta rito. Higit silang natuwa sa “dancing fountain.”

Mag-iikawalo ng gabi, amin nang nilisan ang Maynila upang bumalik na sa aming tahanan.Masayang natapos ang araw na ito.

Wednesday, March 27, 2013

Pusong Bato



“Di mo alam dahil sa ‘yo ako’y di makakain.
Di rin makatulog buhat ng iyong lisanin.
Kung ako’y iibig na muli
Sana’y di sa isang katulad mo
Tulad mo nama’y pusong bato.”

Ang mga bahagi ng kantang sikat sa ngayon , ang pamagat “Pusong Bato.” Kwento ng isang mangingibig na pinangakuang mamahalin subalit matapos ang lahat, nasaktan lamang sya sapagkat matapos niyang ipakita at ibuhos ang pagmamahal niya sa kanyang iniibig, iniwan lamang rin sya  nang basta.

Namamasyal kami, at napadako kami sa pamamasyal sa Luneta Park. Bandang alas sais ng hapon binuksan ang isa sa mga lugar na dinarayo rito, and “dancing fountain.” Kasabay ng pag-awit sa saliw ng iba’t ibang musika. Ito’y nakatutuwang panoorin, sapagkat animo’y mga taong sabay-sabay na umiindak kasabay ang pagpapalit ng iba’t ibang makukulay na ilaw.

Sa pagod ko, natuwa akong mapadako sa dancing fountain, dahil sa pagod na ang mga binti kakalakad, nakiupo ako sa tabi ng isang matandang babae. “Inay, makikitabi po,” ang wika ko. Ako naman ay kanyang pinaunlakan. Inaawit ng mga oras na iyon ang Pusong Bato, kaya’t habang ako’y nakaupo, nakikisabay ako sa pag-awit dahil alam ko ang ibang linya nito.

“Sabi mo noon sa akin, kailan ma’y di magbabago.
Naniwala naman ako
Ba’t ngayo’y iniwan mo.

“Di mo alam dahil sa ‘yo ako’y di makakain.
Di rin makatulog buhat ng iyong lisanin.
Kung ako’y muling iibig  
Sana’y di sa isang katulad mo
Tulad mo nama’y pusong bato.”


Inaawit ko ito, nang magsalita si Inang, ang matadang babaeng aking katabi sa upuan. “Noong nabubuhay pa aking asawa, galit man ako sa kanya hindi ako nagsasalita nang masama sa kanya.” Nagulat ako, ako  na pala ang kausap niya. Sapagkat sa palagay ko may matutunan ako kay Inang, nakinig ako sa kanyang kwento.

Siya ay mula sa Ilo-Ilo, samantalang ang kanyang naging yumaong asawa ay mula sa Bulacan. Nagkakilala sila mula sa isang pagtitipon. Sapagkat masigasig sa panliligaw, agad niya siyang sinagot. Nanirahan sila sa Tondo, Maynila at doon na rin nagkaanak. Nagtatarabaho sa custom ang kanyang asawa samantlang siya ay isang may bahay.

Sa tuwing magagalit siya sa kanyang asawa, hindi niya siya sinisigawan o nagsasalita ng mga masasakit na salita. Naipapakita niya ang kanyang pagkagalit sa pamamagitan ng hindi niya siya sinasabayan pagkain pagkagaling ng asawa sa trabaho. Sapagkat alam niya ang uwi sa hapon ng kanyang asawa, inihahanda na niya ang nilutong paboritong sinigang na sugpo ng kanyang mahal. Ipinapainit niya ito para mainit ang mahigop ng asawa. Nakahanda na rin ang isang platong kanin, saka niya ito tatakpan at didiretso na siya sa pagtulog sa itaas ng bahay. Sapagkat alam ng asawa na nauna na sya pag-akyat sa higaan,galit siya.Aaluin siya para sabayan sa pagkain, subalit, sasabihin lang niya na umuna na o kumain na sapagkat siya ay tapos na kahit hindi pa. Saka siya kakain, kapag tulog na ang asawa.

Mga paboritong pagkain ng asawa ang tangi niyang niluluto upang masiyahan ang asawa pagdating galing trabaho. Kung minsan, dumarayo siya sa Malabon, upang doon bumili ng alimasag o talaba sapagkat mahilig siya rito.Nais niyang maramdaman ng kanyang asawa na mahal na mahal niya siya.

Sa umaga, sa oras na maramdaan niyang gising na ang asawa, mangunguna na siyang bumangon upang ipagtimpla ng kape. Habang nagkakape ang asawa, nagsasangag siya at nagpiprito ng itlog na omelet,may kasamang tinadtad na patatas. Para maipakita naman ng asawa na appreciated niya ang kanyang luto, hihiling siya na ipagbalot siya upang siya nitong kainin sa oras ng tanghalian sa trabaho.

Sa maiksing panahon ng kanilang pagsasama, hindi niya o hindi sila nagpalitan ng masasakit na salita ng kanyang kabiyak. Nagkakagalit man sila, walang palitan ng masasakit na salitang nagaganap. Hindi lamang siya sumasabay sa pagkain, pero, inihahanda niya ang mga pagkaing paborito ng kanyang kabiyak.

Pinangangaralan nga niya ang kanyang mga kapitbahay.”Iwasan ninyo ang pagsasalita ng masasakit sa inyong asawa kapag kayo ay galit. Pinili ninyo siya, pagtiisan ninyo at huwag ninyo siyang pagalitan o awayin. Magtiis kayo,” iyan ang mga payong kanyang ipinararating sa kanyang mga kapitbahay.

Tama siya. Habang kausap ko siya, sapagkat ako ay single pa, nais kong ang mapili ko ay katulad niya. Mahilig magluto, pasensyosa at higit sa lahat,maunawain.

Kung ang lahat ng magkabiyak ay nagpapasensyahan, hindi nag-aaway, malamang hindi na kailangan ang divorce, hindi na kailangan ang legal separation, demandahan at kung ano ano pa. Malamang, walang broken home, malamang walang unwanted children, malamang walang juvenile delinquent.

Sana, sa mga mag-asawa, pairalin ang pagmamahalan, pag-uunawaan at pasensyahan.

Sapagkat gabi na, kami ay umuwi na. si Inang naiwan namin sa Luneta Park sa may dancing fountain, alas otso pa raw siya uuwi. Kasi wala raw naman siyang tinda.Nagtitinda siya ng mga gulay sa Quiapo.

Tuesday, March 26, 2013

Buntis ang Madam

Masaya ang araw na ito. nalamn namen na buntis na tlaga ang aming punongguro. 
Vivencio S. Panganiban

Saturday, March 23, 2013

Hindi ko Inakala



“Kahit ako, natuto ako sa inyo,” ang pinakamatamis na pananalitang aking narinig sa araw na ito,mula sa isang well experienced at kagalang-galang na tao.

Niayaya ko siya na sumimba sa lugar kung saan ako nagtutungo kapag ika-23 ng buwan, at sya naman ay sumama subalit hindi ko ito inaasahan. Abalang tao siya bilang may mataas na posisyon sa kanyang pinagtatrabahuhan. Subalit, may kababaang loob pa rin siyang sumama.

Ipagpaumanhin, ako ay nahuli sa oras ng aming tagpuan.

Hindi ko inaasahan na ang kanyang mga salita ay magiging musika sa aking pandinig. Sinabi niya na, “Huwag ninyong ikakalaki ng ulo, pero ako ang natuto sa inyo. Natuto akong mas maging mahaba ang pasensya at natutunan ko na maging mas maunawain pa dahil sa ipinakita nyo sa akin.” Hindi ko akalain na ang aming pakikitungo sa kanya ay isang malaking bagay sa kanya at nagbigay pa pala kami sa kanya ng aral sa mga bagay na malimit naming ginagawa.

Ganito iyon. Hindi ko sinasabi na magandang gawain ito. Subalit malimit kasi kami ay huli sa aming mga pagpupulong. Bilang pangulo ng samahan, dapat sana ipinamamalas ko ang pagiging maagap sa mga pagpupulong, subalit baligtad ang nangyayare, malimit ako at ang aking kaibigan, na pangalawang pangulo naman ay nahuhuli. Malimit, nauunahan pa kami ng aming supervisor. Pero, sa halip na ikagalit niya ito, ginawa niya itong dahilan upang mas maging maunawain at mas maging pasensyosa upang mabago ang kanyang sarili at mailapit pa sa mga pangkaraniwang guro ang kanyang sarili at hindi katakutan. Kalimitan kasi, dahil strong yung personality nya, kinaiilapan sya ng mga guro. Pero oras na makilala mo sya, masasabi mo ang malimit naming sinasabi, sa mga nakakakilala sa kanya, “Ah, ok pala naman si Mam, basta’t sumunod ka lamang at tama ang gagawin, walang dapat ikapangamba.”

Ngayon, masasabi nyang, mas pasensyosa sya at mas maging maunawain dahil sa amin. Napakasarap pakinggan, kasi mas mataas ang posisyon nya sa amin, pero napaka humble nyang sinasabi ang ganung mga bagay. How I wish, mas maraming tao pa ang maging katulad nya. Upang sa ganun, bilang pangkaraniwang guro, mas magagawa namin ang aming responsibilidad na walang takot, walang pag-aalinlangan at walang kaba. Kung sana lahat ng nasa itaas (mga opisyal ng DepEd) ay magiging katulad nya, marami mang gawain, mahirap man ito, ok lang kasi may mga taong uunawa sayo, mali man pagpapasensyahan ka. Sana.  

It takes Time

Hindi basta-basta naalis ang sakit ng damdamin, hindi sa isang saglit, hindi sa isang sandali, hindi sa isang lingo lang. It really takes time. But at the moment na maka-moved on ka, ang sarap ng pakiramdam mo. Yung nadagdagan na ang kumpiyansa mo sa sarili mo, mas nakikilala mo pa ang sarili mo.

You Drive Me



You are the one
That drives me to do this
You are the one
Who gives fire in doing it.

It was you
Who keeps me going
It was you
Who let these things happens.

Now that you’re not around
And now that you’re not here
It’s seems everything’s not fine
Everything for me becomes pale.

How I wish you return here
How I wish you were here
You drive me the way
How life must be.

Wednesday, March 20, 2013

Want to Hold You Forever...




It was then, when I was still  unmindful of what to do and  which to give priority, until I knew you, until I had a chance to mingle with you and until I realized the importance  of  your presence to me. It was then when I started craving for your presence. It was you who taught me to live with those things.

Each night when it’s time for me to go to bed, I prayed before Him that you won’t leave me alone, that you will never leave me every time I needed you. Your words, your presence are important to me. You are the most important things that ever happened and I have known since the day, we met and since the day we had a chance to experience each other’s presence.

You are important. Every time I am on this line, you are here with me. Chatting and laughing out loud each time we were there. I missed those times. But I knew you are doing more important things as of the moment, that’s why you can’t be with me. I have learned that we should set priorities and we should understand each other. Not at all times, we can have each other’s arm, we have to expand our wings and we should broaden our horizon. We can’t live alone, we can’t live with just the two of us and we need others, as well.

At this point in time, I realized that, each time I missed you, that’s the time also, I saw myself chatting, laughing and having a good conversation with others. Each time I craved for your presence, there are others who fulfilled my emptiness, my other friends, and colleagues as well are there for me. Before, I just saw you and I, but now, the word “you” becomes ours, us and theirs.  It’s nice to know, I saw somebody else who are willing to be with me and willing to spend some times for me, too. I have learned and realized, it is a must for us to expand ourselves for the betterment of, not just you but the both of us.

I just stopped, and thought for a while, things happened for a reasons. Whatever we had experienced are simply the realization of good things never lasts. It was just the memories that will keep our past and present bridged for our future. That, this future will keep us alive because we continuously believe that whatever happened today, it happened for a reason. Another is that, whoever was with us yesterday won’t be with us until the end. But still, they will be forever with us, even though they were not part of what we have right now, the most important things was that, they were with us before. Our experiences with them, either good or bad, will be forever with us until we find the most important person in our lives besides our families and friends.

Thank you anyway, but you are missed and hope to hold you forever, though it’s impossible.  

Tuesday, March 19, 2013

Emcee Nga ba?

"Vince, maaga ang gising bukas kasi sa umaga recognition, sa hapon emcee ka pa ng graduation," ito ang huling winika ng aming punongguro sa akin bago ako umuwi kahapon, March 18, 5:30pm.

March 19, 7a.m, pinilit kong makarating nang maaga sa paaralan upang ihanda ang mga gagamitin sa Recognition Rites, sa ganap na ika-8 ng umaga. Dumating ako sa paaralan, marami-rami na rin ang mga tao, abala ang mga kapwa ko guro at mga bata sa paghahanda ng mga gagamitin sa event pati mga silya at mga sound system. Ako na ang nag-asikaso ng laptop at LCD projector na gagamitin. 

Ika-8 na ng umaga, nakahanda na ang lahat. sa mga oras na ito, nakapsaok na sa bulwagan ang mga magulang. Uminom ako ng aking gamot para mas maging maayos ako.Subalit isa sa side effect nito ay ang aantukain ako. Bago pa magsimula ang panalangin, nagpaalam ako sa aking co-teacher na iidlip lang ako saglit. Mga halos 10mins na akong nakakaidlip, tumawag na sa cellphone ang aking punungguro, nasaan daw ako. 

Nagbibigay na kasi ng awards sa mga bata, ako ang kanyang Teacher-In-charge, ako na raw muna ang tumayo sa stage para sa kanya kasi siya ang namamahala sa projector. Napakamaunawain ng aming punungguro. Dahil sa abala ako, at wala pa sa mga kasamahan kong  guro ang marunong sa LCD,  siya namuna ang nag-asikaso ng video presentation.


Ang stage puno ng mga letter cut-outs na nanlalaglag (hahaha)

Ika 1 na ng hapon. simula na ng graduation at ako ang guro ng palatuntunan "emcee". Nagsimula nang pumasok ang mga magsisipagtapos, mga magulang, mga guro, punungguro at mga panauhin, nang malaglaglag ang isang titik "A"sa salitang "Taunang". Dahil hindi pa nagsisimula, habang pumapasok pa ang mga panauhin, ikinabit ko dali-dali ang titik na nalaglag.

Tumutugtog ang panalangin, hayun nalaglag sa pagkakadikit ang salitang "paghubog" sa paksang K-12 Basic Education Curriculum: Tungo sa Paghubog ng mga Makabagong Lider ng Bansa", ang tema sa taong ito ng pagtatapos. Sa madaling salita, mabilis ko itong ipinagkit habang nagsasalita ang Education Program Suprvisor sa bahaging confirmation. Siyempre wala akong magagawa kundi ang idikit na naman iyon.

Ang mga lalakeng nagtapos

Namamahagi ng diploma, nalaglag ang titik "N", ang malimit mahulog na si titik "A", si number  "3" sa salitang Ika-33. Lahat ito, maya't maya ikinakapit ko. Napansin ko, payat ang double sided tape na ginamit, hindi malapad kaya madaling malaglag ang mga letra. 

Humanap ako ng double sided tape, sa ilalim ng podium, habang may nagsasalita. Hayun meron,ang pagkakataon nga naman kaya pala iniwanan dun, ubos na....Nagkaroon ako ng pagkakataon na bumaba ng stage, kasi nagsasalita ang aming guest speaker. Tinawag ako ng aming EPS in English, akala ko kung anong mahalagang sasabihin, ito ang winika niya "Vince, bumalik ka sa stage, walang tagadikit ng nalalaglag, kasi nalaglag na ulit yung letter A,"sabay tawa ni Mam.Medyo,kabiruan ko si Mam.Malimit kami magkasama sa journalism.

Haist, natapos ang aking pag-eemcee, na sa bawat oras na wala akong ginagawa, ako ang nagkakapit ng mga titik ng nalalaglag kasi ako lamang ang tao sa stage.Hahahaha.

Ang mga babaeng nagtapos  
Subalit sa kabuuan, naging solemn ang pagdaraos ng pagtatapos sa taong ito. Naging masunurin ang mga magulang, siyempre masunurin, hindi naging pasaway. Sinunod nila ang tagubilin bago magsimula, habang at pagkatapos ng seremonya. Kaya, kahit si kapitan nabanggit sa aming bagong talagang punungguro, "Mam, maganda po ngayon ang ating graduation, tahimik po."


-ako po ay guro sa Paaralang Elementarya ng Antonio I,Lunsod ng San Pablo.




Saturday, March 16, 2013

Nagbalik Ka na


Maganda ngayon ang aking umaga
Kay tagal kitang hinintay
Magandang balita
Ikaw ay nagbalik na.

Inisip kita
Ano ang nangyari
Mabuti na lang
Mabuti ka pala naman

Sa aking buhay
Minsan lang akong maghintay
Hinintay man kita
Ibig sabihin mahalaga ka
Ibig sabihin importante ka.

Wala akong hinangad 
Sa buhay na ito
Kundi ang maging "ok" ka
Kundi ang maging ligtas ka.

Wednesday, March 13, 2013

Mahalaga Ka


Ilang araw na, hindi kita nakikita. Nakakamiss na hindi ka makausap. Ang mga linya sa bawat salita mo ay tila awit na kailangan kong mapakinggan dahil sa mga mensahe mong matututo ka  talaga.

Nararamdaman ko ang pag-iisa sa tuwing hindi kita nakakausap. Nararamdaman ko ang pag-iisa sa tuwing wala ka sa inaasahan kong matatagpuan kita. May mga oras nag-iisip ako. Ikaw ba ay nagbago na? O kailangan mo ng pahinga upang maramdaman na mahal ka ng Lumikha?

Yung mga usapan naten, yun mga kwentuhang sabi nga "anything under the sun", nakakamiss. Mga kwento mo at mga tanong ko na wala namang saysay ay may makabuluhan talagang sagot sa iyo. Nasaan na kaya ikaw? O kailangan mo ngayong mamamahinga upang makapag-isip, makapagnilay o dahil talagang napakarami mong ginagawa?Anuman iyon, ang sabi ko nga sa iyo, nauunawaan kita. Pero hindi maalis sa akin ang ikaw ay ma-miss kumbaga. 

Hindi ko man masabing mahalaga ka eh, sana nararamdaman mo na ikaw ay pinahahalagahan ko. Mahalaga ka. Nais kong malaman mo mahalaga ka. Sana maramdaman mo iyon.Ikaw nga iyon, sinabi ko na, "mahalaga ka."

Tuesday, March 12, 2013

Si Lolo Ben


Si Lolo Ben, ay ang aming ama. Lolo Ben ang tawag namin sa kanya, kasi ito ang tawag sa kniya ng kaniyang mga apo. Para mas madali matandaan ng mga pamangkin namen, Lolo Ben na rin ang itinatawag namen sa kanya.

Sina Ate Angel at Nicole, ay magkapatid ang una ay Grade-I samantalang bunso si Nicole na nasa Grade-I, sila ay aking mga pamangkin.

Palibhasa sila lamang ang malimit magkalaro sa aming tahanan, ang mga inosenteng usapan ay sila na rin lamang ang mga piping saksi at ang malimit nilang yayain ng laro, si Lolo Ben.


Malimit, ako ay ginagabi mula sa paaralan. Madalas, ako ay nagpapakaon sa bantayn (lugar kung saan malimit ako ay kinakaon ni Lolo Ben sa tuwing ako'y ginagabi).


Kanina, napansin ko, "Lolo Ben andame nyo namang binibiling kendi?"ang tanong ko. May Maxx, may Chubby, may Kopiko, at iba pa. Anla ipapasalubong ko kina Angel at Nicole. Tumango lamang ako dahil naunawaan ko na si Lolo Ben.

Hanggang sa nagsimula nang umandar ang motor. Habang nagmamaneho, nagkwento si Lolo Ben. "Kanina, nag-uusap yung magkapatid. Ang sabi ni Nicole, "si Lolo Ben, matanda na. Hindi na nagma-magic"ang wika sa kausap niyang ate. Kaya eto at bumili ako ng kendi para mag-magic ako sa kanila pagdating ko sa atin.

Sa halip na ibigay ni Lolo Ben agad ang kendi sa dalawa, kinatuwaan na niyang mag-magic kunyari na may lalabas na kendi sa kanyang mga kamay na kung saang hangin nanggaling.

Kinatuwaan na ito ng dalawa kong pamangkin. ito ang madalas na sabihin nina Nicole at Ate Angel kapag dumarating sina Lolo Ben at Mama Teten galing saanman, halimbawa sa pamamalengke o kahit galing lamang sa kapitbahay. Ang buong pagaakala ng  magkapatid kasi, basta't umalis sina Lolo Ben at Mama Teten pagdating may pasalubong dahil galing sila sa bayan, kung saan malimit mamalengke sila.

Napaumis na lamang ako sa kwento ni Lolo ben. Naapektuhan sya agad. Ayaw niyang masabihan ng mga apo niya na siya ay matanda na kaya, hayun andameng pang-magic sa dalawa.

Sunday, March 10, 2013

Pagtanggap


Isa sa magandang pangungusap na aking nabasa ay ang winika ng aking kaibigan, "wala na akong panahong magalit pa. I'm getting old na."

Kung sa bagay, tama siya. Ako, siya, tayong lahat ay tumatanda na. Kung patuloy nating papansinin ang mga bagay na hindi umaayon sa ating kagustuhan, tayo ba ay magiging masaya? Hindi siyempre. Ang mabuti pa, anuman ang nangyari sa ating nakaraan kailangang tanggapin natin, anuman ang nagawa ng ating kapwa sa atin na sa palagay natin ay hindi maganda, patawarin sapagkat kung patuloy nating bibigyan ng panahon at isipin ang mga bagay na ikagagalit natin, madali tayong tatanda. Madali tayong magkakasakit, hindi tayo liligaya, madali tayong mamamatay.

Bakit nga ba hindi natin bigyang pansin ay ang mga magagandang bagay na ang Diyos mismo ang nagbigay. Ipagpasalamat na tayo ay gumigising araw-araw, may sariwang hangin na nilalanghap, may pamilyang kasa-kasama, may kakulangan man, atleast buhay pa tayo. Maari pa nating makamit ang mga mithiin huwag lang tayong tumigil sa pangangarap at pagpupursigi.

Mahirap gawin, pero kinakaya niyang gawin, nakakayanan niyang isagawa. Sana ako rin, makayanan ko. Pipilitin kong maging mapagpasensya pa ng lubos at wagas na tatanggaping hindi lahat ng nais ko ay maari kong makamit, subalit may dahilan ang lahat kung bakit hindi agad-agad sila nagaganap sa loob lamang  ng isang segundo. 

Ang lahat ay dapat tanggapin nang maluwag sa puso at maging bukas lamang tayo sa  pagpapatawad upang mas maging masaya ang ating buhay at maging magaan para sa atin ang pamumuhay sa araw-araw.


Saturday, March 9, 2013

Maybe...


Maybe I should stop asking questions…
Maybe I should be careful asking
Maybe I should not asked too much
Maybe I should be quiet, right now.

Maybe I should understand
That not all are interested
To answer my queries
Just to start the conversation.

From now on
I will be careful
It’s a lesson learned
I should stop asking.

But, I just want you to know
I asked about those things
Just because I wanted to start
A very fruitful conversation.

Sorry.






Friday, March 8, 2013

I Missed You



Namiss kita
Namimiss kita
Unlimited  man
Talagang missed kita.

I missed your songs  
I missed your face
I missed your expressions
I missed everything in you.

I really missed our conversations
I missed how you replied
I missed your ideas and thoughts
I missed them all.

How we started the conversations
Is what I really missed  much
So much that this moment
When I can’t see you, sadness comes my way.



Thursday, March 7, 2013

Guro at Mag-aaral


Isang pangkaraniwang araw. Walang masyadong mahalagang ginagawa, walang masyadong importanteng gagawin. Napagkatuwaan ng isang guro na makipagkwentuhan sa mga mag-aaral sa unang baitang. Palibhasa'y mga batang inosente, narito ang ilan sa kanilang mga napag-usapan.

Guro: Anong pangalan mo?
Bata: Michelle po.
Guro: Saan ka nakatira?
Bata: Sa San Pablo po.
Guro: Oo, san sa San Pablo?
Bata: Sa Balanga po. (ang kilalang tawag sa San Antonio I. Isang brgy sa San Pablo City)
Guro: Oo nga, san ang bahay nyo sa Balanga?
Bata: doon po?
Guro: San doon? Sa Silangan, sa Arawan, sa Sungwan, Sa Arawan, sa Pook, Sa Israel, Sa Villabirds? (mga lugar sa Balanga)
Bata: Doon po sa Arawan.
Guro: Saan sa Arawan?
Bata: Sa may Tindahan po.
Guro: Saang tindahan?
Bata: Yung malapit po sa amin....
hahahaha.

Eto pa.
Guro: Ano ang trabaho ng iyong ina.
Bata: Wala po.
Guro: Anong ginagawa sa inyo ng iyong ina?
Bata: Nanonood po ng t.v.
Guro: Hindi naglalaba ang iyong ina?
Bata: Hindi po.
Guro: May labandera kayo?
Bata: Opo.
Guro: Ah, mayaman kayo?
Bata: Opo....
hehehehehe

Isa pa.
Guro: Ilan kayong magkakapatid?
Bata: Ako lang po sa amin.
Guro: Wala kang kapatid?
Bata: Wala na po.
Guro: Siya sabihin mo sa iyong ina gusto mo ng kapatid.
Bata: Ayaw ko po ng kapatid.

Wednesday, March 6, 2013

Pakiusap


Pwede ba minsan
Makiusap ka naman
Minsan kasi akala mo
Ok lang pero hindi naman.

Mahirap ba sa iyo
Iyong makisuyo lang
Makiusap
Magpasalamat.

Iyon lng
Salamat
Pakiusap
Pakisuyo.

Tuesday, March 5, 2013

Runny Nose

Just woke this morning with a runny nose and up to this moment, I kept on sneezing...

Si Sir


"Mahal na nga kita, pakasal na tayo," ang tanging sambit ko sa iyo nang minsang magkausap na tayo. Nabigla ka man tanging tugon mo'y "oo".

Malimit na ako ay pumunta sa inyong tahanan. malimit kong kausap ay ang iyong butihing ina at ang iyong yumaong ama. Hindi man ako direktang sa iyo ay nanliligaw, marahil inuna ko nang ligawan ang iyong mga magulang. Mahilig akong magdala ng mga pagkaing nagugustuhan nila, mga pag-uusap na malimit ikaw ang aming paksa na lingid ang lahat ng ito sa iyong kaalaman.

Hanggang sa isang gabi nagtapat na ako sa iyong mga magulang kung maaring hingin ko na ang iyong mga kamay? Wala namang pasubali ang kanilang sagot sa akin sapagkat taon na rin ang binilang ng aming pagkukuwentuhan, pagbabalik-balik sa inyong tahanan at pag-aabang sa iyong pagdating mula sa paaralan. Sapagkat malamang dahil na rin sa agwat ng ating edad naipagkatiwala na ng iyong mga magulang ang kinabukasan mo sa akin. Guro na ako ng ika'y mapasaking piling.

Ikinasal tayo na ni hindi ko alam kong nauunawaan mo kung bakit ka may suot na puting trahe de boda at bakit tayong dalawa ay nasa sa harap ng altar ng panahong iyon. Subalit, dahil mapagmahal ka at malaki ang tiwala mo sa iyong mga magulang lahat ng kanilang sinabi ay sinunod mo. Maligaya tayong nagsama hanggang sa nagkaroon tayo ng dalawang anak.

Lumipas ang maraming taon, naging mahusay kang guro sa mga paaralan mong pinagturuan kaya't kagyat kang na-promote bilang punungguro habang ako'y nanatiling guro sa kauna-unahan kong paaralang pinaglingkuran. Tahimik akong sumusuporta sa iyo at tahimik akong sumusunod at gumagabay sa iyong mabilis na pagtatagumpay. Nanatili ako roon, nagmamatyag at nagmamamahal.

Hanggang sa isang umaga nagising ako wala ka na sa aking piling. Itinanaong ko sa mga inay kung san ka naroon, impit ang kanilang dila. Dumaan ang mga araw, hanggang sa ang araw ay naging lingo at ang lingo ay naging buwan. Hindi na napigil ni Inay ang sarili at sinabing ikaw ay lumisan ng walang paalam, nag abroad ka ng walang paalaam.

Itinanong ko sa opisina ng iyong district supervisor kung totoo ang lahat hanggang sa wala rin siyang naipakitang magandang pruweba kundi ang iyong resignation letter kung nasaaan ka hindi rin nya alam.

Nabigla ako sa desisyon mo,  hindi ko matanggap. Ang ating mga anak, nagtatanong kung nasaan ka, wala akong maisagot. Nahihirapan akong gumising ng wala ka sa aking tabi. Nahihirapan akong asikasuhin ang ating mga anak na babae, nagdadalaga na sila. Nahihiya akong umasa sa ating ina, ang aking biyenan. "Ang mga huling pagkakataong nasa katinuan si Sir."

Si Sir, disiplinado siya. Tandang tanda ko pa noong elementary kami, kapag may hindi maayos magpanatang makabayan, tinatapik nyan ang kamay. Gusto nyan malinis kami. Masipag si Sir magturo. Mahusay siyang manamit. Siya ang aking inspirasyon kaya't ako'y naging guro rin. Ito ang ilan sa mga pangungusap na masasambit sa kanya.

Ngayon si Sir, hayun, nagpapagala-gala sa plaza, suot ang katulad na unipormeng suot ko dahil guro na rin ako. Baliw na siya. Wala ng nakikilala. Napabayaan na ang mga mga anak. Si Sir, hindi nakayanan ang suliranin. Sayang, ni hindi dapat si Sir nabaliw, subalit hindi  na nya nakaya ang pag-iisa at pag-iisip dahil sa pagmamahal sa kanyang asawa. si Sir, pinanghihinayangan ko. Nakakaawa.

Maaga pa rin siyang umaalis sa kanilang tahanan, hindi naliligo, subalit nagpapalit ng suot na uniporme, magsisimulang maglakad, mag-isa, nagsasalita mag-isa at uuwi sa tahanan, bago magdapit-hapon walang kinikilala, kahit ang mga anak niya. Umaga hanggang sa magdamag nagsasalita mag-isa, ibinubulong ang pangalan ng mahal niyang asawa.

"Isang malaking kalungkutan ang namutawi sa akin nang mabalitaan ko at makita ko mismo na si Sir ay isa na sa mga taong marungis na nasa kalye, wala na sa katinuan, baliw na. Nakakapanghinayang. Siya ang guro ko noong ako'y elementarya pa lamang-pahayag sa akin ng isang dating estudyante ng gurong nabaliw sa pagmamahal sa taong umiwan sa kanya."

Bakas


Naglakad ako
Lumingon ako
Bumalik ako
Nakita ko tayo.

Hindi ko alam kung ano
Dapat ba malungkot
Dapat ba masaya
Ano ba dapat

Hayaan ko na lang
Lumipas na nakaraan
Bakas ng kahapon
Iwanan na roon

Marahil ang buhay
Dala na ang pasakit
Upang bukas na bukas rin
Tagumpay naghihintayin din

Saturday, March 2, 2013

Ikaw Nga

Mahirap palang mamiss ka
Mahirap na mawala
Ang iyong presensya
Mahirap, nakakalungkot

Hindi ko mawari
Hindi ko maipaliwanag
Ang minsang 'di ka makita
Malungkot na aking alaala

Sana bukas, sana mamaya
Sana nga nandyan ka na
Sana maalala mo rin 
Isang taong sa 'yo'y naghihintay.

Friday, March 1, 2013

BOY NGONGO



Tinawag ni Inay si Boy, ang  batang ngo-ngo.

"Boy, magpunta ka sa  tindahan ni Aling Petra at bumili ka ng isang
latang
Pork & Beans."

"Omo, inay," ang sagot ni Boy.

Pagdating ni Boy sa tindahan ay  binati niya ang tindera,

"Aning etra, ngamuta na mo ngayo?  (Kamusta na po kayo?)"

"Mabuti naman," ang sagot ni Petra ,  "ano ang kailangan mo Boy?"

"Mangmilan nga mo ng inang lata ng  Mo e Meen?" ang tanong ni Boy.

"Ano kamo, Boy? sabi ni Petra .

"Isa mong Mo e Meen," ang ulit ni  Boy.

"Paki-ulit nga Boy at hindi kita  maintindihan."

"Mo e Meen , Mo e Meen, nyung nata  lata."

"Hindi talaga kita maintindihan.  Mabuti pa kaya ay i-spell mo na
lang sa akin."

"O ninge. Mo e Meen. Netter Mi."

"Letter 'B'?" Ang tanong ng tindera.

"Ine! Netter Mi as in Minimines."

"Ha???"

"Mi!" Kinanta ni Boy ang alphabet,  "Ey, Mi, Ni, Ni , E, Em, ..En,Em,
En, O, Mi"

"Ahhh, P! Letter P!" ang masiglang  sagot ni Petra .

"Oo. Mi! Mo e Meen!"

"Sige ituloy mo  Boy. 'P'..."

"Ngo!"

"Ano kamo?"

Kumanta ulit,  "Ey, Mi, Ni, Ni , E, Em, Nyee... En, Em, En, O"

"Ahhh, titik O!  P-O. Sige ituloy mo pa."

"Netter Arrng!"

"Kantahin mo na  lang ulit Boy."

"Ey, Mi, Ni, Ni  , E, Em, Nyee... En, Em, En, O, Mi, Ngyu, Arrng."

"Ahhh! Letter R.  Malapit na. 'P-O-R'? Hindi ko pa rin makuha, Boy. 
Anong
letter and susunod?"

"Ngey."

"Letter A?"

"Ini ho," sabay  buntung-hininga si Boy. "Ngey! A, Ma, Nga (A-Ba-Ka-
Da ang kinanta) Nga!"

"Ka! Letter 'K'  'P-O-R-K' Ahhh Pork!!!"

"Oo. Mo e Meen"

"Pork and?" Ang tanong ni Petra .

"Oo!! Mo e  Meen!!!"

"Pork and Meen?  Ahhhh!!! Alam ko na!!! Pork and Beans!!!"

"Oo! Oo!! Mo e  Meen!! Mo e Meen!!!!" ang masayang sigaw ni Boy.

"Pork and Beans  pala ang kailangan mo!!!"

"Oo. Mo e Meen!

"Ay naku, Boy.  Wala!!!

At Last!


Happiness I felt right now, for I had a chance to see you again, at last....

I supposed to be not to go to your place today because my stomach ached, I felt hungry that’s why. But because I promised I will see you today because you waited my presence since day after tomorrow, I pursued the plan.

After leaving the work place, I immediately proceed to yours. I was excited because I will be seeing you and thanked God I have something for you, so I was happy. I gave the pasalubong and you thanked me. We were talking when your father, brother and sister arrived. I don’t know how I felt that moment, I don’t know why. But I conquered it. They greeted me so I do the same in return.

This time, you prepared a glass of soft drinks and biscuits for two. Afterwards, your mother prepared some sliced watermelon which I loved as well. I thanked your family for being hospitable.
We talked for a while, exchanged ideas and chat anything under the sun this time.

Again, its late at night, I have to go. Thank you for the pasalubong your parents gave me, hehehe. I hope we will see each other soon again for more chat moment and exchanging ideas some other time. This time I must say I was happy because, you are fine now.