Tandaan mong iniibig kita. Sa bakas ng kahapon nating nagdaan ikaw lamang ang aking sinisinta. Sa dagliang paglayo man ng ating landas umaasa akong tayo'y muling magkakatagpo.
Sa ating kahapon masayang inaalala mga ngiti ng umagang katabi ka paggising. Sa pagsapit ng gabing kay lamig sa kalamnan tanging yakap natin ang nagbibigay init sa isa't isa. Mahal kita alam mo yan.
Sa kahapong nagdaan pilit kong binabalikan magagandang alaalang ating pinagsaluhan. Kung sa banda roon, puso natin muling magtagpo di na kita bibitiwan ayoko nang malayo ka pa.
Ramdam ko ang pagmamahal mo, alam mo ganun din ako. Sa paglipas ng panahon alam ko at umaasa ako na magiging tayo, kahit lihim lamang ito.
No comments:
Post a Comment