Pagbisita ko sa iyo ang isa sa pinakamahirap na pagsubok ang aking naranasan. Mahirap kitang pa ibigin lalo na at may bahid ng pagkabalisa at pag aalinlangan, subalit napatunayan ko gaano kita iniibig.
Ninais kong puntahan kita, masaya ako sa nais ko subalit nandun ang kaba at pagkabalisa. Kaba ng dibdib kung paano ako haharap sa mga magulang mo. Paano ako magsisimula ng pakikipag usap sa kanila gayong hindi ko sila kilala. Saan ako magsisimula, saan ako hihinto, kailan ako magiging taya?
"Tao po" ang mga unang binigkas ko. Medyo natagalan ang paglabas ng tao sa loob ng tahanan subalit hindi nagtagal, lumabas siya at ako ay pinagbuksan. Pinaupo ako at tinawag ang ama ng tahanan. Nandun ang kaba sapagkat hindi ko alam paano ako magsasalita sa harap ng amang may iisang anak na babae,, ang babaeng aking iniibig.
Butterflies in my stomach. Yan ang nararamdaman ko. Bago ako magtuloy sa pagbiyahe kumain muna ako nang sa gayon pakainin man ako o hindi busog ako.
Humarap ang ama at ina, mahusay makitungo sa bisita. Makwento si ama habang malimit ang pagngiti at sandaling pagsasalita ang naibabahagi ng ina. Tumagal nang halos isang oras ang usapang iyon nang dumating ka.
Halos nag pigil ako ng pag ihi ng isang oras dahil di ko mapigil at maputol ang masarap na kuwentuhan namen ng kanyang ama. Sa iyong pagdating iniwanan nila tayo at sa wakas nakaihi rin ako.
Ipinara ako ng triycle iyong ama pauwi ng tahanan. Ang isa sa pinakamagandang nangyari sa aking unang pagdalaw sa iyo. Maraming salamat.
No comments:
Post a Comment