Ilang ulit ko ng nasambit ang mga salitang pagmamahal, nagmamahal at minamahal kita subalit tanging katahimikan ang iyong ibinabalik. Kung ang katahimikang iyon ang magsasalita para sa iyo aking giliw, tila puso ko at damdamin ay lulundag sa tuwa sapagkat katumbas nito ay pag sang ayon sa aking hangarin.
Oo, lihim kitang iniibig. Lihim kitang itinataas sa munti kong pedestal. Palihim akong umiibig sa iyo aking giliw. Ang pagmamakaawa ko at pagsusumamo ang syang tanging binging saksi sa aking pagtingin sa iyong kariktan.
Hindi ko mahayaang ipagsawalang kibo ang damdaming namumutawi sa kin. Hindi ko kayang itago pa ang damdaming naghuhumilagpos upang maipadama sa iyo aking giliw na ikaw ang aking pangarap. Mahal kita alam mo ba? Ikaw ang nagbibigay sigla sa malungkot Kon daigdig. Ikaw ang nagpapaalala na sa bukas na darating may isang ikaw na ako ay hinihintay.
No comments:
Post a Comment