Tuesday, January 13, 2015

Pag Iisa

Ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin. Nanunuot ito sa aking kalamnan. Namimiss ko ang init ng iyong mga halik at yakap na nagbibigay baga sa aking nanlalamig na katawan.

Parehong panahon parehong pag iisa, parehong pagkakaisa. Tanging ala ala mo habang ako ay naghihintay sa iyong pagdating. Ni hindi ko maaninag saan kita pupuntahan, saan kita susundan. Kay hirap sabihing namimiss kita, gusto kitang puntahan gusto kitang yakapin , gusto kitang halikan subalit saan kita matatagpuan?

Malaking tanong ay, kung ang akin bang paghahangad sa iyong mga halik at yakap ay kasing init din ng aking paghahangad? Ang naglulumiyab na damdaming kinukuyom ng pag iisa ay kasing alab rin ng iyong pag ibig?

Dama ko ang pagsamo ng puso ko. Ikaw ang tanging nais ko. Ang akong kahapon, inaasam asam, sana maulit ang mga araw, umaga at gabing tayoy magkapiling, tayoy magkasama. Ikaw at ako walang pakialam sa mundo.

No comments:

Post a Comment