Si Pope Francis, ang Lolo Kiko ng Pinas, ang Poors Pope, ang Pope of the many first.
Pinanonood ko lang sya sa telebisyon sapagkat mas praktikal la sa akin na makita sya nang maayos sa telebisyon kaysa ang makipagsiksikan sa Maynila na maraming tao. Nandun ang pagpapakita kasi ng ibat ibang tv networks sa aerial footage kung gaano karami ang tao sa naturang lugar. Kung kaya minarapat kong manood na lamang ng misa at mga pag iikot ng Santo Papa sa telebisyon.
Mangiyak ngiyak ako sa tuwing makikita ko kung paano nya ipinamamalas ang malasakit sa kapwa ko Pinoy. Damang dama ko kahit sa tv lamang ang emosyon na nangingibabaw sa mga bata, o sinumang lumalapit sa kanya upang mahagkan o mayakap man lamang siya. Sa tuwing ipino focus ng camera ang mga emosyon ng mga taong nakakalapit sa kanya, tila bahagi ako ng kanilang katuwaan. Kung saan ang katuwaang ito ay nagbubunsod sa isang silakbo ng damdaming tila nais humulagpos at nagsasabing anong ligaya ko.
Ito ang damdaming namunutawi sa akin habang ako ay nanonood, paano pa kaya ang mararamdaman ko kung personal ko siyang makikita? Malamang sulit ang pagod ng paghihintay. Abot langit ang tuwa sapagkat ito ay once in a lifetime opportunity lamang.
No comments:
Post a Comment