Saturday, February 2, 2013

Pagdaramdam


Maghapon lamang ako sa loob ng aming tahanan. Dati-rati pagsikat ng araw at pagbangon ko sa higaan, maliligo na agad, magbibihis at kara-karaka, "Inay, tatay o kung sinuman sa aking mga kapatid, Tito Do o Tita Ye, may puntahan lang ako," sabay alis at maghapon na sa galaan.

Ewan, nakalimot na ba ako sa dating ako dahil sa problemang kinakaharap ko, o kailangan kong maranasan ito upang matigil ako sa aming apat na sulok ng tahanan upang mas maranasan ang pagmamahal ng mga magulang at mga kapatid na kalimitang datna't panawan ko na lamang,aalis akong tirik ang sikat ng araw subalit babalik na buog na ang lahat at bubulahawin ang aking ama upang sunduin ako sa lugar kung saan ako naroon, para lamang makauwi pabalik ng tahanan?

Nais kong balikan ang aking mga kamalian, hindi upang gawin itong muli, kundi upang itama at maging maayos ang lahat.

No comments:

Post a Comment