Huwag mo akong tanungin
Kung kumusta ako sa kalagayan ko
Alam mo ang kasagutan
Nagpapaka-inosente ka lang
Huwag kang mag-alala
Katulad ng ibinilin ko sa ‘yo
Walang galit na mamumuo
Subalit ginawa mo, timong-timo
Hindi kita pasasakitan
Ikaw na ang makakaramdam
Sabihin mong ako’y mangmang
Ok lang, kung tulad mo, ‘wag na lang
Mahusay kang maglaro
Sa sitwasyong ikaw ang may piho
Sa panahong darating
Pangangailangan mo, wag ka sanang karmahin
Sa araw-araw ng buhay ko
Ikaw lahat nagpabago
Salamat sa ‘yo, kaibigan ko
Ginawa mo, nakabaon sa puso ko.
Tiwala ng puso ko
Sakit sa damdamin din
Lahat na titiisin
Pati ikaw,balewalain na rin.
No comments:
Post a Comment