Friday, February 22, 2013

Sa Aking Kahapon, sa Aking Ngayon


Maulan sa aking pag-uwi sa aking tahanan. Kaakibat ang malungkot na sandaling babalikan ko muli ang aking naiwang pighati.Subalit sa pagdating sa masayang tahanang ito, saan ako magsisimula?

Nais kong maputol ang nakaraang nagdurugtong sa aking kahapon at ngayon. Ang kahapong patuloy na gumagapos sa aking ngayon. Ang kahapong pilit kong tinatalikdan. Ang kahapong sa aking palagay ay nagiging dahilan upang maging mabagal ang pag-usad ng aking ngayon ....

Subalit alam ko mali ako. Dahil alam ko ang klahapon ay bahagi na ng aking nakaraan, Kailangan kong tanggapin na ang nakaraang ito'y bahagi ng kung anumang mayroon ako sa kasalukuyan.Dapat ko pa ring ipagpasalamat na ang kahapong pilit kong tinatalikdan ay bahagi ng kung paano ako naging matatag sa aking ngayon, ang aking kasalukuyan.

Subalit anuman ang mangyari, isang malaking pagtanggap lamang ang dapat kong gawin.Paano ko gagawin?Paano ko sisimulan?Paano ko matatanggap?Paano?Isang malaking katanungang malamang ako rin ang dapat makatuklas sa hinaharap karugtong pa rin ang nakaraan....


No comments:

Post a Comment