Tuesday, February 12, 2013

Kahapon


Tila, wala na ngang hihigit pa
Sa pag-ibig na dakila
Ang masunod ang luho
Masaktan man kahit sino.

Subalit sa kabila nito,
Ano ang ipaglalaban mo?
Mahal mo man ako
Pangarap ko'y maglalaho.

Subalit mula sa 'yo
Dugong sa aki'y nananalaytay
Sa iyong kagustuhan
Alipin mo akong susunod sa 'yo.

No comments:

Post a Comment