Sa apat na sulok na silid, isang nilalang ang nagkukubli sa kanyang nakalipas ang nakaraan, pilit niyang nais harapin. Subalit saan nga ba dapat magsimula kung ang nakaraan niya'y pilit niyang isinasali sa kanyang hinaharap?Paano magagawang ang pagtalima sa nakaraan ay dapat na niyang isakatuparan?
Isang araw ang magtatapos, subalit nakakulong pa rin ang isang nilalang sa kanyang nakaraan. Ni hindi magawang kalimutan isa man sa mga ala-alang nakalipas at naging bahagi na ng kanyang buhay. Ang pagbabalik sa kanyang nakaraa'y hindi magawang isantabi at ipagpatuloy ang kanyang buhay. Sa malayong kagubatan doo'y nagkukubli ang mga panahong naging putakti ng kaligayahan, naging lugto ng kasakiman at naging dahilan upang masaktan.
Buhay ng tao'y wala namang kasiguraduhan, subalit ang kanyang mga desisyon ang siyang magsasabi kung ang kanyang pagpili sa mga bagay-bagay na naging bahagi niya ay isang katagumpayan o daan sa kalugmukan.
Nangangailangan siya ng isang taong lubos ang pang-unawa sa kanyang kalagayan, subalit sino at kanino siya magsisimula ang ang kanyang nakaraan ay balot pa rin ng kahiwagaan?Paano siya magsisimula sa mga bagay na sa palagay niya'y nagsisimula pa lamang, sa iba'y tapos na?Paano mo tatapusin ang ang isang bagay na puro simula at walang hangganang pagnanais, na sana bago natapos ang pagsisimula naranasan niyang maging isang buo sa kanyang sinimulang dagliang tinapos ng sakim na tadhana?
No comments:
Post a Comment