Tanghali na akong bumangon upang pumasok sa aking trabaho, pilitin ko mang gumising nang maaga, tila ang higaan, kumot at unan ko'y pilit akong pinipigilang kumawala sa pagkakayakap ko sa bawat isa sa kanila. Gustuhin ko mang pagbigyan ang kanilang naisin, malamang kung gagawin ko man ito maapektuhan ang aking trabaho. May mga naghihintay sa 'kin, kung kaya't kinakailangan ko muna silang iwan.
Hindi ako sumakay sa dyip sa umagang ito, sapagkat tanghali na kinailangan kong mag-bus muna. Mas mabilis kasi ito. Samakatwid. narating ko ang lugar ng aking pinagtatrabahuhan, tanghali na rin subalit hindi ako sobrang huli sa oras na inaasahan. Maganda ang aking umaga.
"May kaarawan po kahapon, may itinira po spaghetti sa inyo, ipapainit ko na lamang po mamaya. May chocolate rin po sa ref, may nagbigay po sa inyo. Andame naman talaga nagmamahal sa iyno, :pabirong wika ng aking kausap. "Oo nga, andame ko kakainin, ang saya," sagot ko. Paborito ko talaga ang spaghetti at chocolate.
Natapos ang aking maghapon na may ngiti sa labi at tila nagsasabing, hindi naman masama ang pag-iwan mo saglit kina unan, kumot at iyong higaan.
May tinatapos akong gawain kung kaya't bukas dapat maaga na muli ako upang maipasa na ito sa opisina, katulong ako ng paggawa ng taong mas nakatataas ang posisyon sa akin. Aniya sa akin habang nagko-computer, "sa darating na panahon, makatutulong sa iyo ito, kya't itinuturo ko na sa iyo." Natutuwa ako, positibo ang kanyang pananaw sa akin na sa mga darating na panahon, ako naman ang nandun sa kanyang kinauupuan.
No comments:
Post a Comment