Tilaok ng tandang, akin na namang naringan
Mula sa higaan, naala-alang kapisan
Magdamagang pag-uulayawan, puno ng pagmamahalan
Pumalit kalungkutan, sa gabing kinasabikan
Bawat pitik ng orasan, bawat halik sa pusong sabik
Nagpupumiglas na damdamin
Nagbabalik nating ala-ala
Kalungkutan, walang kapara.
No comments:
Post a Comment