Friday, February 1, 2013

Pag-aasam




Sa gabing madilim
Nais kong isipin
Ikaw ang kapiling
Dito sa aking bisig

Yayakapin kita
Nang buong higpit mandin
Sa tahimik na gabi
Ika’y paliligayahin

Maglalaro tayo
Ng apoy ng pagnanasa
Magpapakabaliw tayo
Magpapakasaya tayo

Subalit sa dagli
Nitong ating pagsasama
Ang pag-aasam lagi
Mananatiling panaginip lang twina.






No comments:

Post a Comment