Pinilit kong limutin ka
Ang isipin ka iniwasan pa
Pag-ibig talaga,
Magsinungaling man huli
ka
Sa talim ng dila
Sa kislap ng mga paningin
Tayong umiibig
Hindi makapagkakaila
Ikaw na minamahal ko
Sa marubdob na puso ikinubli
Kahit sino kakastiguhin
Pag-ibig ‘wag lang
masaring
Itinatagong pilit
Damdaming mapang-akit
Minamahal kita
Bawal man, pasensya ka.
Pag-ibig ko’y mala lumot
Sa lilim ng puno nanunuot
Sa panahong mamasa-masa
ito
Lalago, yayabong.
No comments:
Post a Comment