Friday, February 1, 2013

Iwasan




Akin mang wariin
Pag-ibig sa akin iyo na ring nasaring
Huwag pigilang lumago
Subalit pigiling dumapo

Kay hirap magmahal
Nang walang patutunghan
Nanaisin ko na lamang
Iwasan ang masaktan


Sarili’y gagapiin
Ng pagsintang walang maliw
Nang pag-aasam na nais
Na di pwedeng maangkin

Kung wawariin ko
Ito ang aking gusto
Magpakatotoo
Sa pag-ibig,mag-iwasan tayo.


No comments:

Post a Comment