Tuesday, February 26, 2013

Aninong Ga’pos




Minsan ba maling maghanap ka? Minsan ba maling mangulila ka?

Hindi ko alam paano magsisimula. Hindi ko alam paano magtatapos dahil ang nais kong simulan pilit ko rin naman dagling wakasan upang basta mawasak na lamang upang wala ng magsimula para hindi na mahirapan pa. Subalit paano tatapusin ang sinimulang alam ko rin naman walang patutunguhan.

Subalit hanggang kailan ako paaalipin sa aking aninong pilit pumipigil na lumago ang aking karanasan,pilit humhila sa tanikalang sa mga paa ko’y nakagapos upang pag-usad ng kamalayan ay maging mas mailap pa sa panghuhuli ng isang ligaw na hayop sa ilang.Paano nga ba?

Minsan tuloy naiisip ko,tama pa bang ipagpatuloy ang kung anumang mayroon ako sa kasalukuyan na nais kong simulan o tuluyan ko na ikaw ay kalimutan upang baka sakaling sa  bukas na darating ang pagbibigay ng isang maliit na puwang sa aking buhay na ito’y maging sanhi ng isang malawak na pang-unawang sa akin ay maipapahiram kahit saglit lamang. Sa kung kailan ko ito gagawin, tanging isa lamng ang nakakaalam, ang aking sarili, dahil anuman ang kahihinatnan nito’y tanging ako rin lang naman ang nakakaalam at ako rin lamang ang magdaranas.

Hindi ko nais na ako’y masadlak sa isang lusak ng kadiliman ng pagpigil sa anino ng kahapon at umasang ang ngayon ay ihiwalay sa aking nakaraan. Subalit nais ko lang malaman saan ako magsisimula? Iyong simulang alam ko, wala akong katapusang ipagsisisi sa sinuman o kahit saan man.

No comments:

Post a Comment