Wednesday, February 6, 2013

Ano ang kalahati ng ...?

Hindi pa ako nakakarating mismo sa loob ng aming tahanan, mula sa aking pinagtrabahuhan,masaya ako at napansin ko na agad sa aming terasa ang aking dalawang pamangkin, sina Angel at Nicole, ay nagbabasa at nagwika na si Nicole, "Ninong Jun, ang tawag nila sa akin, may tatlo akong assignment, nagawa ko na ang dalawa, itong  Math hindi pa,mahirap." "Sige, magbibihis lamang ako at sasagutan naten," sabi ko sa kanya. Si Ate Angel naman walang assignment pero nagbabasa ng kanyang aralin. Si Nicole ay nasa unang baitang at si Ate Angel ay nasa ikalawang baitang.

Nagbihis na ako ng aking damit pambahay, nagmerienda na rin samantalang matamang naghintay si Nicole sa akin. Sinimulan ko na ang pagtuturo sa kanya. Ang aralin nila ay tungkol sa kalahati,halimbawa ano ang kalahati ng 4? Dalawa ang kalahati ng apat. Tagalog kasi ang Math ngayon sa K12 kurikulum. Kumuha ako ng gagamiting object para mas manipulate niya. Number 1. may 8 larawan ng tatsulok, ano ang kalahati nito? May walong bagay sa kanya. Sabi ko sa kanya, "kung maghahati kayo ni Ate Angel sa chocolate, ilan ang iyo at ilan ang kay Ate?"

Una, kumuha siya ng isang bagay, tapos ibinigay yung isa sa akin, hanggang sa natapos na siya. "Pareho ba tayo ng bilang?", tanong ko kay Nicole. "Opo," ang sagot niya. "Bilangin natin kung pareho tayo ng bilang para malaman natin kung talagang naghati tayo nang tama. Pareho tayong may apat na bagay, magkahati ba tayo nang wasto?" "Opo" sabi niya. "Ngayon ilan ang kalahati ng 8?" "4 po," ang sagot niya. "Ah iyon pala iyon,"sabi nya. Hanggang sa siya na ang nagsagot ng natitirang apat na numbers kasi 1-5 ang assignment nya." Madali pala.,"ang nasabi niya.

Masaya akong nagiging pala-aral siya at sa tuwing may takdang aralin nauuna pa siyang magsabi sa akin na may assignment siya. Hindi tulad dati, itinatago ang kwaderno at sasabihing walang assignment tapos kinabukasan, sasabihin sa akin, "Ninong Jun "0" ako, kasi hindi ko nasagutan ang assignment ko." Mula noon pinangaralan ko siya at ngayon, may bunga na.

No comments:

Post a Comment